Move on

268 12 0
                                    

Tinotoo nga ni Kiel na hindi na sya aalis nagpapatulong naman sya kila Thomas at Cole sa pag ma manage ng kumpanya nya. Mag iisang buwan na syang tumitira sa bahay ko, pinapakita naman nya na sincere sya sa sinabi nya but I still doubt his intentions. Sinaktan na nya ako noon kaya kayang kaya nya ulit akong saktan ngayon.

"Love, are you busy?"

Here he comes, manggugulo nanaman sya sa buhay ko nandito ako sa loob ng kwarto ko at chine check ang mga cases na binigay sa akin. Simula ng tumira sya dito ay binalik nya nanaman ang pagtawag sa akin ng love. Kinausap ko na sya tungkol sa endearment na yan pero tulad noon hanggang ngayon talo parin ako sa pakikipag debate sa kanya kahit pa sabihing lawyer ako sumusuko ako kapag sya ang kausap dahil umiinit agad ang ulo ko. "I'm busy Kiel"

"Stella it's Sunday. Simula ng magising ako nadatnan na kita dyan na inaasikaso ang mga yan hanggang sa natapos na akong mag luto ng lunch natin."

"This is important Kiel."

"Mas importante pa sakin?" He plastered that playful look on his face. God I so hate him.

"Alam mo ang sagot ko dyan Kiel."

"Ouch hindi mo na ba ako priority?"

"You were once my priority, Kiel"

"But can we go back to that time when I was your number one priority?"

"Are we having this conversation again?"

"Okayyyy... Sorry. Let's go and eat."

"Mauna ka na."

"As usual ayaw mo nanaman akong sabayan kumain."

"Hey! Minsan sabay naman tayong kumain ah"

"But you would rather eat by yourself than join me."

"I'm busy Kiel."

"I know... okay... Love you."

Sa araw araw na magkasama kami palagi nyang sinasabi na mahal nya ko pero wala na atang epekto sa akin dahil noon kapag sinasabi nya ang mga katagang iyon ay bumibilis ang tibok ng puso ko, may mga naglalarong paru paro sa tiyan ko, namumula ang mga pisngi ko at sumasaya ang buhay ko but that was all in the past now because maybe... I really moved on and I was just in denial about it because I love the feeling of being in love with him.

The boy who made me fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon