Simula

1.4K 88 93
                                    

Lorraine

"Rain, Rain go away. Come again another day. Little Children wants to play. Rain, rain go away~"

Kanina ko pa naririnig ang kantahan ng mga bata sa labas ng tapat ng bahay ko. Kanina ko pa sila pinapanood habang nagddrawing sila ng malaking araw sa sahig ng tapat ng bahay ko. Hindi ko na sila pinigilan sa pagsusulat sa sahig. Besides, tapat lang naman iyon ng bahay ko at hindi ko pagmamay-ari ang lupa na ginuguhitan nila.

Sanay nadin naman na ako sa mga batang nagddrawing sa lupa ng araw. Noong bata ako, nagddrawing din kami ng kapatid at mga pinsan ko ng malaking araw. Dahil sabi nila kapag nagdrawing ka daw ng araw sa sahig, ang nagbabadyang ulan ay hindi na tutuloy pa sa pagbagsak. Totoo na man iyon. Halos araw-araw umuulan dati, kaya araw-araw din kaming nagddrawing ng araw.

Pero mukhang iba ngayon. Maitim na maitim ang kalangitan. Mukhang sobrang lakas ng buhos ng ulan ngayon. Malamig na din ang simoy ng hangin. Nakapagdagdag lamig pa ang malakas na simoy nito. Kahit hunyo pa lamang, mararamdaman mong parang kalagitnaan na ng desyembre dahil sa lamig ng hangin.

Pinanood ko lang ang mga batang gumihit sa lupa ng araw. Tuwang-tuwa sila doon hanggang sa tawagin na sila ng mga magulang nila at nag-alisan na sa tapat ng bahay ko. Oo. Bahay ko. Mag-isa nalang kasi ako ditong naninirahan. Halos tatlong taon na nang mamatay ang mga kapatid ko. Halos limang taon na ang nakakalipas nang mamatay ang mga magulang ko kaya naman ulilang lubos na ako.

Hindi ko nga maintindihan noon dahil sabay-sabay na pumanaw ang mga kapatid ko. Bunso ako sa aming limang magkakapatid. At ako nalang ang natitira. Wala na rin akong pinsan. Lolo o lola. Ang mga tiyahin ko iniwan na ako mag-isa kaya naman maaga akong namulat sa ganitong sitwasyon. Maaga akong tumayo sa sarili kong mga paa. Maaga akong nagtrabaho sa edad na labing lima. Pero kahit ngayong twenty years old na ako, sinisikap kong mabuhay.

Minabuti kong pumasok na sa loob ng bahay. Wala na rin naman akong gagawin sa labas dahil umalis na ang mga batang pinapanood ko kanina sa pagguhit. Umupo ako sa sofa at binuksan ang TV sa aking sala. Hindi ito flatscreen pero ayos na dahil ako lang naman mag-isa ang nandito sa bahay. Wala rin naman akong mga kaibigan kaya binubuhay ko mag-isa ang sarili.

Agad na bumungad saakin ang balita tungkol sa klima ng panahon ngayon, at ang bagyong paparating.

"Isang Super Typhoon na may International name na Kuroshiwa o tatawaging Bagos sa Pilipinas ang aasahang pipinsala sa kabuuan ng Bansa. Kung tuluyang makapapasok ito sa bansa, asahang mas malakas pa ito sa Super Typhoon, Yolanda. Papasok ito sa PRA ganap na ika-siyam ng gabi ngayong araw. Maaaring magbago pa ang direksyon nito kaya babantayan natin ang Bagyong ito."

Hindi ko maintindihan kung kakailanganin ko bang maghanda para sa nalalapit na bagyo. Wala naman na siguro akong magagawa kung babagyo na. Ilang beses naman na akong binagyo pero hindi nasisira ang bubong at haligi ng tahanan ko kaya hindi na ako nagabala para tingnan kung anong masisira once na bagyuhin na ang Bahay.

Pero sana. . .

Sana naghanda ako.

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon