VI : Sapatos

543 54 21
                                    

Kabanata Ika-anim : Sapatos

Lorraine

Bumaba na ako sa Jeep. Hindi parin naaalis sa isip ko ang sinabi ng matandang babae saakin kanina. Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng SM. Dito kasi ako nagttrabaho. Isa akong sales lady sa isang sikat na branch ng sapatos. Masaya naman. Medyo nakakapagod sa una dahil hindi naman kasi ako masyadong salita ng salita. Pero dito, palakasan ng loob. Ang mas magaling magsalita, mas maraming customer.

Inayos ko na ang suot ko tapos binuksan ang glass door ng store namin. "Good morning Lorraine!" Magiliw na bati sa akin ni Pauleen. Isa sa mga sales lady na kaibigan ko dito. Wait. Siya lang pala ang nagsabi na magkaibigan kami. Magkaklase kami since 4th year High School. Hanggang sa matapos kami sa pag-aaral. Hanggang sa tumigil ako sa pag-aaral. 'Di hamak na mas maganda naman ang buhay ni Pauleen kesa saakin.

Ewan ko ba sa kaniya. Pwede naman kasi siyang magtrabaho sa kompanya ng daddy niya, pero ayaw niya. Nag-sales lady siya kahit na pwedeng-pwedeng bilin ng daddy niya ang pwesto na ito ng store namin. Baka nga mas mayaman pa itong si Pauleen sa may-ari ng branch ng store na pinagttrabahuhan namin. Noong tinanong ko siya kung bakit pa siya nagttrabaho kung nag-ggain naman ng milyon-milyon ang kompanya niya, ang sagot niya :

"Wala. Gusto ko lang magsales lady. Gusto ko makakita ng mga fafa boys araw-araw. Wala kasing mga fafa boys sa opisina ni Daddy. Gusto kasi ni Daddy mas gwapo siya kesa sa mga empliyado niya."

"Good morning," sabi naman ni Ryan. Siya ang assigned sa counter namin. Syempre sa mga nagbabayad. Tahimik siya gaya ko. Kaming tatlo lang ang palaging nandito sa store na ito. Hanggang gabi dito dahil nagsasarado ang SM ng 9:00 pm. Pero ngayong araw, iiwan ko muna ang store ng mas maaga. Kailangan ko kasing pumunta sa puntod ni Ate Helena.

May pumasok na lalaki sa loob ng shop. Actually, may tatlong lalaki na sa loob ng shop nang pumasok ako kanina. Nakita ko ang mukha ni Pauleen. Feeling ko naging bulldog na siya dahil konting-konti nalang tutulo na talaga ang laway niya dahil sa bagong dating na lalaki. Nakasuot ito ng kulay itim na tshirt sa pang loob at kukay itim na jacket. Naka-baston din siya na pantalon at itim na sapatos. Okay. Halata namang ayaw niya sa itim.

"Good morning sir. What can I help you?" Tanong ni Pauleen sa kaniya pero hindi lamang siya pinansin ng lalaki. Hinawakan ng lalaki ang sapatos na nakadisplay. Oo. Store ng sapatos para sa mga lalaki ang shop na pinapasukan ko. Maayos naman. Kung minsan, makaka-engkwentro ka ng mga mayayabang na lalaki. Pero minsan at sobrang dalang lang talaga ng mga ganoong pangyayari.

"Miss anong size 'to?" Tumingin saakin ang lalaki. Noong una, hindi mag-sync in sa utak ko kung ako ba ang tinatawag niya. Pero saakin siya nakatingin e. Sasagot na sana ako nang sumagot si Pauleen. Mukhang attracted talaga siya sa lalaking 'yon. E mukha namang mayabang or walang pakialam sa kaniya.

"Size 8 po 'yan sir," nakangiting sabi ni Pauleen. Tinitigan naman siya ng lalaki. 'Yung titig na parang nagsasabing who cares?

"Hindi ikaw ang tinatanong ko," sadistang saad ng lalaki. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Pauleen. "Maka-alis na nga. Kung hindi bingi ang mga sales lady, mga papansin naman," sabi ng lalaki bago siya lumabas ng pintuan ng store namin. Pero bago siya makalabas, tumingin muna siya saakin.

"Besh. Nakakainis naman pala 'yung mokong na 'yun e! Okay na sana. Wafu na e. Kaso masungit," pagmamaktol ni Pauleen. Tumabi na siya saakin. Tapos nag-assis na rin siya ng ibang mga lalaki na nagtatanong ng size, presyo at tatak ng sapatos. Like, duh? Hindi ba nila nakikita 'yung tatak ng sapatos?

"Mag-iingat ka sa batang babae. Kanina ka pa niya sinusundan."

Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang sinabi ng matanda saakin kanina. Napatingin tuloy ako sa papel na binigay niya saakin. Nakasulat dito ang mga numero at nasa baba ang isang pangalan. Siguro pangalan niya iyon. "Anita," basa ko sa pangalan niya.

Ano naman kayang kakailanganin ko sa kaniya? Sabi niya balang araw kakailanganin ko ng tulong niya? Sa anong sitwasyon naman?

Argh. Naguguluhan na ako ah.

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon