XIV : Damay

441 39 0
                                    

Kabanata Ikalabing-apat : Damay

Lorraine

"A-ano b-bang kasalanan k-ko sa inyo!?" Tanong ko sa kanila. Patuloy na ako sa pag-tangis. Nangangatog na ako at gustong-gusto ko na magpahinga. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Parang gusto na nitong kumawala sa dibdib ko. Lalong lumalakas ang hangin sa loob ng kusina. Nagbagsakan na rin sa sahig ang mga sandok, takip ng kaldero, kawali at ang mismong lalagyan nito. Bumukas na rin ang gripo. At gaya ng sa CR ng mall, dugo ang inilalabas nito.

"Ikaw, walang kasalanan. Pero ang mga magulang mo, meron. Pasensya ka na pero... ito ang itinadhana sa'yo. Wala ni isa sa pamilya ninyo ang maaaring makaputol ng sumpa. Sa simula palang naman, kayo na ang gumawa nitong sumpa. Dapat lang na pagdusahan ninyo," sabi nito sabay tawa. Doon ko lang napansin na nawala na ang mga kasama nito sa likuran niya.

Lumamig ang kanan at kaliwang balikat ko. Para bang nawalan ng dugo ang parteng iyon. Napalingon ako sa magkabilang gilid ko at doon ko nakita ang dalawa sa mga kasama ng batang babae kanina. Tumutulo pa sa balikat ko ang mga tubig na galing sa basa nilang katawan. Ano bang nangyari sa kanila? Ano bang kasalanan ng pamilya ko at bakit nila ito ginagawa saakin?

"Bakit pati ako dinadamay ninyo? H-hindi ba't mga ma-magulang k-ko lang ang may k-kasalanan sa inyo?" Nauutal na tanong ko sa kanila. Pinilit kong itago ang mga mata ko sa tuhod ko. Siniksik ko ang katawan ko sa isang sulok ng kusina. Nasa ulo ko parin ang dalawang kamay ko incase na may ibato ulit sila saakin.

"Dahil ganoon ang ginawa ng mga magulang mo. Ako lang ang may kasalanan, pero dinamay niya ang mga kapatid ko. Simpleng kasalanan, humantong sa pagpatay. Ang bait ng Nanay at Tatay mo. Grabe," sarkastikang sambit nito.

"Lorraine... ikaw na ang sunod..."

"Lorraine..."

"Samahan mo naman kami sa impyerno..."

"Tulungan mo kaming makamit ang hustisya... sumama ka na sa amin..."

Ang daming bulong. Galing iyon sa mga kapatid niyang nasa magkabilang gilid ko. Nakaramdam ako ng pagpatak ng likidong bagay sa kamay ko. Mula ito sa itaas. Napalunok ako ng laway. Dahil sa kursyonidad ko, dahan-dahan komg tiningnan kung saan galing ang patak ng likido na tumama sa kamay ko. Galing iyon sa taas kaya naman tumingala ako. Doon ko nakita ang isang batang lalaki.

Nakalutang siya sa ere, nakangiti at... may tumutulong dugo mula sa bibig niya. "Hello Lorraine..." sabi nito saakin bago siya bumagsak kaya naman napapikit ako. Ilang sandali pa, hinintay ko ang pagbagsak niya saakin pero wala akong naramdaman na kahit anong bigat. Nakapikit parin ang aking mga mata.

Wala na ang lakas ng hangin sa kusina. Pero malakas parin ang buhos ng ulan sa labas ng bahay. Kahit na nakapikit ako, naaaninag ko parin ang maliwanag na kidlat na sinusundan ng malakas na kulog. Mukhang hindi parin nakakalabas sa bansa ang bagyo. Namatay na rin ang kanina gripong kanina pa nakabukas. Pasalamat ako't hindi napuno ang lababo, kundi baka nalunod akong muli.

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Wala na sila. Tanging mga nakalutang na kustilyo, bubog, at tinidor na lamang ang nakalutang kaya naman hindi parin nawawala ang takot sa dibdib ko. Dahan-dahan akong tumayo. Tumingin ako sa itaas upang siguraduhing wala na ang batang lalaki doon na nakalutang kanina. Wala na rin siya doon.

Hahakbang na sana ako ng bigla akong makarinig ng malakas na... malakas na agos ng tubig. Sumirit ang tubig mula sa gripo. Bumukas ulit ito at mas doble na ang dugong inilalabas nito. Mula sa bintana, lumalabas na rin doon ang tubig baha. Wala pang isang minuto, basang-basa na ako't hanggang bewang ko na ang baha. At mukhang hindi lang sa kusina ko bumabaha, kundi sa buong bahay ko.

"TIGILAN NIYO NA AKO!" Malakas na sigaw ko. Pero walang nangyari. Nakakabinging tawanan lamang ng mga bata ang naririnig ko.

Tama na...

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon