XXIII : Sa Salamin

291 27 3
                                    

Kabanata Dalawampu't-tatlo : Sa Salamin

Lorraine

Nasa loob na ako ng banyo. Kasama ko pa rin 'yung dextrose ko at nasa labas si Erick. Nasa tapat mismo siya ng pintuan para siguradong hindi magsasara 'yun at hindi ako muling malolock sa banyo. Natrauma na ako sa nangyari noon sa SM. Baka atakihin na ako sa puso kapag nangyari pa ulit sa'kin 'yon.

Nang matapos ako sa pag-ihi ko. Lumabas na agad ako sa cubicle at naghugas ng kamay. Naghilamos na rin ako pero pag-angat ko ng tingin sa salamin, nakita ko ang imahe ng batang babae. Wala siyang emos'yon kaya mas nakakatakot siyang titigan. Pumikit muli ako bago tumingin sa likuran ko, pero wala na siya roon.

"Ano nanaman 'yang tinitingnan mo?" Kabadong tanong ni Erick. "Alam mo, mali yata na nakipagkaibigan ako sa'yo. Ang weird-weird mo na kasi. Alam mo 'yun, para kang may nakikita na hindi ko nakikita---"

"Exactly," sabi ko bago ibalik ang tingin ko sa salamin. Pero imbis na sarili kong repleksyon ang makita ko, repleksyon ng batang babae ang nakita ko kaya napatalon ako paurong, palayo sa salamin. "E-Erick nakikita mo b-ba 'yung batang babae sa salamin?" Tanong ko sa kaniya. Kahit ilang beses ko na nakita 'tong bata na 'to, nakakatakot pa rin siya.

Namumulang mata.

Namumuting labi.

Magulo at basang buhok.

Madumi at basang damit.

"Ha? Saan?" Ani Erick bago ako pinuntahan at tinapik-tapik. Hindi maalis ang tingin ko sa batang babae na pinanlilisikan ako ng mata. Maya-maya pa, sa hindi malamang dahil, nasuka ako at hindi lang 'yon basta suka. Ang sinuka ko ay dugo. Akala ko, ako lang ang nakakita na dugo 'yon, pero nakita rin pala ni Erick. "T-teka! Anong nangyari sa'yo!?" Alala niyang sabi.

"Takte. Ikaw nurse 'di ba? Hulaan mo kung anong nangyari sa akin," pagbibiro ko. Dahil sa pagsuka ko, mas lalong sumakit ang sugat sa tagiliran ko. Ininda ko 'yun ng palihim. "Ibalik mo na ako sa k'warto ko," sabi ko bago siya tumango at inalalayan ako pabalik sa k'warto ko.

Nang makahiga ako, nakahinga ako ng maluwag.

"Ano ba talagang nangyayari? P'wede ba, sabihin mo sa'kin," desperadong sabi ni Erick.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yong may batang babae na sunod nang sunod sa akin at gusto akong patayin?" Diretso kong saad habang pinagmamasdan ang magiging reaksiyon niya. Hindi siya nakasagot kaya natawa ako. "Oh, 'di ba. Tatanong-tanong ka sa'kin ngayon hindi ka naman maniniwala," saad ko bago mapatingin muli sa labas ng bintana. Mas lumakas ang ulan ngayon at may kasama ng kulog at kidlat.

"'Yung batang babae ba ay maliit lang ng kaunti sa'yo? Magulo ang buhok, may maduming damit at parang basang-basa?" Dahil sa tanong ni Erick, napalingon ako sa kaniya.

"Pa-paano mo nalaman?" Takang tanong ko sa kaniya. Tulad kanina, nanlalaki ang mga mata niya at nakatingin sa bandang kisame. Marahan kong sinundan ng tingin ang lokas'yon na tinitingnan niya sa kisame at halos lumuwa ang mata ko sa nakita.

'Yun 'yung batang babae. May hawak siya na kung anong nakakadiri at kinakain ito. Hindi ko makita nang maayos ito dahil nakaka-agaw ng atensyon ang nanlilisik niyang mga mata. Nakatingin ito sa amin ni Erick na para bang handa na siyang umatake.

At tama nga ako.

Nang maubos niya ang kinakain niya, agad siyang tumalon kay Erick at inundayan ito ng sampal at tad'yak bago ito sinakal. Walang laban si Erick. Gustuhin ko man na tulungan si Erick, ay hindi ko magawa dahil sa malakas na hangin na nasa loob ng k'warto at pinipigilan ako sa paggalaw. Sa lakas ng hangin, hindi na halos ako makahinga ng tama.

"B-bitiwan mo a-ako," ani Erick.

Tumawa naman ang batang babae at hinagis si Erick sa pader. Ilang beses umubo si Erick dahil sa pagtama ng likuran niya sa sementadong pader. "Lorraine, malapit ka na naming makuha. O baka gusto mo ngayon na---"

Hindi nito natapos ang gusto niyang sabihin nang biglang may pumasok sa loob ng silid. Agad na siyang nawala kasabay ang malakas na hangin sa loob ng k'warto. Pero si Erick, hinang-hina pa rin at pinipilit na tumayo.

Napatingin ako sa kung sinong pumasok sa loob ng k'warto.

"Ryan?"

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon