VII : Introvert

544 49 13
                                    

Kabanata Ikapito : Introvert

Lorraine

"Lori?"

Masyadong occupied ang utak ko kaya kanina pa ako tulala. Ni hindi ko nga namalayan na may mga customer ng nagtatanong saakin. Buti nalang talaga at nandyan si Pauleen para saluhin ako sa mga customer na naiinis na. Hindi ko na nga rin namalayan na alas-onse na ng umaga. Humarap ako kay Pauleen na ngayon ay nakatayo sa harapan ko at kanina pa kumakaway sa mukha ko.

"Lunch na. Hindi ka pa ba kakain?" Tanong nito saakin. Tumingin siya kay Ryan. Ganoon din naman ang ginawa nito sa kaniya kaya napa-iwas siya ng tingin. Bilang kaibigan---kahit hindi kami sobrang close---alam ko ang nararamdaman niya. Siguro na-awkward siya dahil natitigan siya sa mata ni Ryan. "L-lori!"

"Oh?"

"Tinatanong kita. Hindi ka pa ba mag-lulunch?" Pag-uulit ni Pauleen ng tanong. Ayoko na sanang sagutin ang tanong niya dahil mas gusto ko pang isipin ng mabuti ang tinutukoy ng matandang babae. Pero wala naman akong choice kaya sinagot ko na siya.

"Mamaya na. Mauna na kayo," sambit ko.

"Sure ka?" Paninigurado pa nito.

Tumango naman ako. "Pupunta muna ako sa National Book Store. 'Di ba dito naman kayo kakain?" Sabi ko sa kanila. Hindi pwedeng mag-lunch ng walang tao sa loob ng store. Kahit merong CCTV at guards dito hindi parin mawawala ang posibilidad na manakawan ang shop. Baka kung manakawan kami, paniguradong kakaltasan kami ng sweldo. Ang malala pa do'n, baka Isang taon na kaming nagttrabaho bago ulit kami sumweldo.

Tumango si Ryan. "Dito kami kakain ni Pau. Anong gagawin mo sa National?" Tanong ni Ryan habang may kung anong tinitingnan sa Counter.

"Hmm... maghahanap lang ng librong pwedeng bilhin. Mauna na ako. Enjoy the food," sabi ko bago ngitian si Pauleen. Lumabas na ako ng shop at naglakad patungo sa National. Doon lang naman ako tumatambay kapag vacant. At ngayon na lang naman ulit ako papasok ng National. Ngayon ko na nga lang nararanasan ang makapasok sa SM---kahit na sales lady lang ako at hindi gaya ng mga taong bumibili ng mga sosyaling gamit dito.

Patingin-tingin lang ako sa mga pamilyang nakakasalubong ko sa daan. Masaya sila. Magkakahawak kamay tapos ang mag-asawa ay magkayakap. Nakaka-inggit. Kung hindi sana namatay ng maaga sila Tatay at Nanay, siguro masaya pa kami. Siguro kung hindi namatay sila Ate Helena at ang mga kapatid ko, siguro kahit mahirap kami nakangiti parin kami.

Hindi ko mapigilan ang sariling lumuha kaya imbis na dumaretso sa National, dumaretso muna ako sa CR. Ilang hakbang nalang naman ang kinatatayuan ko patungong CR kaya naman tinungo ko na iyon. Pumasok ako sa Female Comfort Room at doon humarap sa salamin. Kaunti lang ang pumapasok dito kaya naman walang nakakapansin sa pagtangis ko. Tumingin ako sa salamin. Doon ko nakita na namumula na ang mata ko.

Bakit ba ako ganito?

Bakit ang bilis kong umiyak?

Bakit mabilis akong magpa-apekto sa mga naiisip ko? Hanggang kailan ba akong magiging ako? Hanggang kailan ako magiging mahina?

Simula nang mamatay si Ate Helena, pinangako ko sa sarili ko na aalamin ko ang dahilan ng sunod-sunod nilang pagkamatay. Aalamin ko ang sumpang sinasabi niya. Pero paano ko gagawin 'yon kung ang mga bagay na naiisip ko ang nagiging dahilan para huminto na ako sa ginagawa ko? Paano ko gagawin ang mga bagay na 'yon kung nag-iisa lang ako?

Sa mga ganitong oras at pagkakataon. Wala namang makakaintindi saakin. Wala namang nakakaintindi saakin noon pa man. Kaya ng siguro isa akong introvert. Nilikha ako upang mapag-isa. O baka hindi ko lang talaga napapansin na may mga taong gusto akong kaibiganin at tulungan? Ewan. Basta ang kailangan ko lang gawin ngayon ay magpakatatag at isipin na kailangan kong maging malakas.

Lalo na't hindi ko maipaliwanag ang nakita kong babae, at ang babala ng matanda.

Pinunasan ko na ang huling patak ng luha sa aking mata. Naghilamos na rin ako pero nang iangat ko ang mukha ko, sabay nito ang pagpatay-sindi ng ilaw sa buong comfort room. Napatingin ako sa fluorescent bulb na nasa itaas. Nagpapatay-sindi na ito. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil baka mapupundi na. Binilisan ko nalang ang paghihilamos. Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo para matuyo na ito.

Lalabas na sana ako ng comfort room pero biglang sumarado ng kusa ang pintuan na gawa sa plastic. Doon, naging alerto ako't nakaramdam ng kaba. Anong nangyayari? Lumapit ako sa pintuan at pinilit buksan ang pintuan gamit ang doorknob. Pero walang nangyayari. Wala namang lock sa labas nito at hindi naman nakalock sa loob kaya... paanong...?

Kasabay ng paghingi ko ng tulong ang pagpatay ng ilaw sa loob ng banyo...

...at paglamig ng simoy ng hangin.

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon