The Untold

389 30 9
                                    

Para sa mga naguluhan sa huling mga salita ni Jeniva sa Wakas [2].

Third Person's P.O.V.

Sa maliit at nakakasulasok na silid, nananatili at nagtitiis ang apat na magkakapatid. Wala lamang sa kanila ang mabaho at masangsang na amoy na mula sa babuyan na katabi mismo ng silid dahil sanay na rin naman na sila rito. Wala lang sa kanila kung nakakasulasok ang lugar, dahil dito sila nakatira at nakakasilong ng libre.

Matagal nang patay ang mga magulang nila. Maging sila ay hindi alam ang tunay na dahilan kung bakit namatay ang mga magulang nila. Dahil sa trahed'yang iyon, napunta sila sa puder ni Linda na noo'y may limang anak na madalang nilang makita. Noon pa man, hindi naging maayos ang trato sa kanila ni Linda, pero suwerte na silang magkakapatid at nakakakain sila at may natitirhan. 'Yun nga lang, ang lahat ng gawain sa babuyan, ay kanilang ginagawa.

Sa loob ng silid, natutulog ang tatlong kapatid ni Jeniva. Si Jeniva ang tumatayong panganay sa kanilang apat kahit na siya ang pangalawa sa magkakapatid. Sa kanilang apat, siya lamang ang nakaka-alam ng katotohanan tungkol sa kanilang nawawalang kuya.

Isang taon bago sila mapunta sa kamay ng malupit na si Linda, nawala ang panganay nilang kapatid. Tulad nang pagkamatay ng kanilang mga magulang, isang palaisipan ang pagkawala ng kanilang kuya. Subalit, si Jeniva lamang ang nakaka-alam na may panganay silang kapatid.

Tumatangis si Jeniva sa tuwing maiisip na ang kanilang kuya, ay nasa magandang kalagayan, at sila ay nasa mala-impyernong lugar. Hindi niya maiwasang mainggit dahil sa tsansang masaya ang panganay niyang kapatid sa piling ng mayamang pamilya. Alam niyang may tsansang mas naging magaan ang buhay ng kaniyang kuya. At dahil inggit ang namamayani sa puso ni Jeniva sa mga oras na 'yon, nawala siya sa katinuan at bumulong sa hangin.

"Sa oras na isa sa aming apat ang mamatay, ang panganay naming kapatid ay sasama sa hukay bilang kabayaran sa paghihirap namin," aniya bago tumingin sa tatlong nakababatang kapatid. Tumatangis siya bago siya muling magsalita, "kuya Erick, ihanda mo ang iyong sarili. Ito ay aking isinusumpa sa lahat ng demonyong nakikinig sa aking pagsusumamo."

#

An : Okay. Ngayon sana nalinawan na kayo kung bakit sa dulo ng Wakas [2] ay namatay din si Erick. Akala ko naman kasi ay magugulat kayo in a good way, 'yun pala nagulantang ang buong sistema niyo sa sobrang gulo. My bad, haha. Ayan, last part na po ito sa ipopost ko sa story na 'to. Maraming salamat po ulit sa pagbabasa! Kapag may tanong, 'wag mahihiyang magtanong :)

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon