XV : Lapastangan

442 40 1
                                    

Kabanata Ikalabing-lima : Lapastangan

Lorraine

Nakakabinging tawanan. Masakit sa tainga. Hindi ko alam kung tawa ba iyon o sigaw pero may naririnig akong mga hagikgikan. Hindi ako mapakali. Basang-basa na ang pisngi ko dahil sa pagtangis. Basang-basa na ang likuran, batok at likod ng tainga ko dahil sa hindi malamang dahilan. Pawis na pawis ako kahit na hindi naman ako nagpakapagod. Ayoko na. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko, tingin ko, aatakihin na ako.

"Rain, Rain, Go away. Come again another day, little children wants to play, rain, rain, go---"

"TAMA NA!" Malakas na sigaw ko. Tumigil ito sa pagkanta. Bumagsak ang mga bubog sa sahig kasama ng mga tinidor at kutsilyo na kanina lang ay nakalutang. Sobrang natatakot kong binuksan ang mga mata ko. Hanggang tiyan ko na ang baha, kaya naman nag-iingat ako sa aapakan ko dahil sobrang delikado lalo na't may mga bubog na nalaglag dito. Hindi parin ako tumitigil sa pagtangis, kumakabog parin ang dibdib ko.

Tumingin ako sa likuran ko nang may maramdaman akong mabilis na paggalaw.

"LAPASTANGAN!"

Tumalsik ako sa pader na gawa sa semento. Ubo ako ng ubo nang bumagsak ako sa basang kapatagan. Mas lalo akong nagulat nang dugo ang kasama sa pag-ubo ko. Napatingin ako sa salarin ng pagtalsik ko sa ere. 'Yung batang babae, na may pulang mata na nanlilisik, malakas at marahas niya akong sinampal kaya ako tumalsik. Totoo pala, may angking lakas ang mga itim na espiritu.

Malakas parin ang ulan sa labas. Tila ayaw paawat sa nagaganap sa loob ng kusina ko. Parang gusto niyang mas maging intense ang huling sandali ko. Ito na nga ba ang katapusan ko? Nawala sa paningin ko ang batang babae. Hindi talaga ako makapaniwala na totoo ang mga masasamang espiritu at mga multo. Ngayon, naka-one on one ko pa ang mga ito. Patuloy parin sa pagtaas ang baha. Hindi ko na alam kung paano makaka-alis dito.

"Nais kong pahirapan ka muna, at ang mga taong lalapit sa'yo. Nais kong iparamdam sa'yo, ang mawalan ng mahal sa buhay," sambit ng boses. Halata rito na gustong-gusto na niya akong saktan. Nang-gagalaiti na ito pero hindi ko alam kung nasaan siya. "Ipaparamdam ko sa'yo kubg anong hirap ang naramdaman namin noon sa kamay ng mga magulang mo..."

"H-hindi p-pa ba sa-sapat na p-pinatay niyo ang mga mag-magulang at mga k-kapatid ko?" Nauutal na tanong ko sa boses habang tumitingin sa kabuuan ng kusina, umaasang makikita doon ang batang babae. Pero wala. Mukhang ayaw na niyang magpakita saakin.

"HINDI PA! Hindi niyo alam kung gaano ako nanggagalaiti sa inyo. Kinasusuklaman ko kayo! Mula noong mamatay ako, kasama sa bangkay ko ang sumpa na inyong mararanasan, ang poot at galit ko at ng mga kapatid ko! Wala ni isa sa inyo ang dapat na makaligtas!" Sambit nito. Pagkatapos no'n, wala na akong ibang maalala kundi ang paglipad ng mga kutsilyo, tinidor at bubog sa ere.

Pinilit kong iwasan ang ilan dito. Gusto ko ng lumabas sa bahay kaya naman tumakbo ako paalis sa loob ng kusina. Patuloy parin ang pagkidlat sa labas at ang pagtaas ng tubig dito sa loob. Sinusundan ako ng mga matatalim na bagay na kung saan-saan bumabalibag sa loob ng maliit kong bahay. Maliit lamang ang espasyo na pwede kong takbuhan kaya naman ang ilan sa mga ito ay hindi ko na naiwasan.

Mahapdi.

Parang pakiramdam ko kapag tiningnan ko ang mga hiwa na natamo ko ay makikita ko ang laman ko. Sing bilis ng pagtulo ng luha ko ang mga dugong galing sa mga natamo kong sugat. Hindi ko na kaya. Nasa harapan na ako ng pintuan ng bahay. Madilim kaya naman hindi ko na naiwasan ang lahat ng tatama saakin. Hanggang sa hindi ko namalayan...

...tadtad na ako ng tinidor at kutsilyo sa braso at binti ko.

#

An : Intense? Pwes, mas marami pang mangyayari na magpapatayo ng balahibo ninyo. Mas maraming mangyayaring mas... nakakasuka.

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon