IX : Pangako

487 45 8
                                    

Kabanata Ikasiyam : Pangako

Lorraine

Hindi ko maigalaw ang paa ko. Gustuhin ko man umalis pero mukhang may pumipigil saakin. Doon ko lang napagtanto na meron palang nakahawak na kamay sa magkabilang paa ko. Hanggang dibdib na rin ang baha na nagsusumigaw sa kaniyang kulay na pula. Ang lansa. Ang baho. Ang sakit sa ilong kaya every minute isang beses lang ako kung huminga.

"Buhay. Kapalit ng Buhay," saad ng Batang babae. "Kung tutuusin, matagal ka na dapat naming pinatay. Masyado lang mabait ang mga kapatid ko kaya ako nalang ang gagawa ng dapat sa iyo," sabi nito sabay tawa.

Hindi ko alam kung saan ako lilingon. Nagpapatay-sindi parin ang ilaw sa loob ng CR. Ang lakas parin ng ulan sa labas. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling 'yung boses ng batang babae. Nag-eecho ito sa buong banyo. Ang alam ko lang, sa tuwing kikidlat o bubukas ang ilaw, nakikita ko ang imahe ng dalawang kamay na nakahawak sa magkabilang binti ko. Ang lalim na ng tubig. At mas lalo na akong hindi makahinga dahil hanggang leeg ko na ito.

Hindi ako makalutang. Kung tutuusin ay kaya kong lumangoy. Pero hindi ko magawa dahil sa nakahawak na mga kamay sa paa ko. Oo. Dumami ng dumami ang mga kamay na nakahawak sa paa ko. Tumingala na ako at tumingin sa itaas. Mukhang ako na nga ang susunod. Kung hindi ako nagkakamali, halos tatlong taon ko na hinintay ang oras na ito. Magmula nang mamatay si Ate Helena.

Balak ko pa naman sana siyang dalawin ngayong araw dahil death anniversary niya ngayon. Pero mukhang magiging death anniversary ko na rin ang araw na ito. Unti-unti ng nawawala ang pag-asa ko na makaka-alis pa ako dito. Nakakatawa man isipin pero mukhang sa Comfort room pa ako mamamatay. Pinikit ko na lamang ang mata ko at naghintay na abutin ang ilong ko ng baha.

"Kailangan mong putulin ang sumpa."

"Balang araw, babalik ang unos. Kailangan mong maghanda. Babalik sila."

"Basta ipangako mo na puputulin mo ang sumpa."

"Kailangan mong mabuhay."

Dumilat ang mga mata ko. Kahit na basa na ang mukha ko dahil sa mga talsik ng dugo, nararamdaman ko parin ang patak ng luha mula sa mga mata ko. Naalala ko si Ate Helena. Naalala ko lahat ng sinabi niya saakin bago siya mamatay, bago siya mawalan ng buhay. Tama si Ate. Kailangan kong putulin ang sumpa. Namatay silang lahat upang ipagtanggol ako. Namatay si Ate upang putulin ko ang sumpa.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko kahit nanghihina na ako. Nagpupumiglas ako at nagtagumpay naman akong tanggalin ang mga nakahawak na kamay saakin, ang mga pumipigil saakin na makahinga at manatiling nakalubog sa baha para malunod. Agad akong nagpalutang upang makahinga. Hindi ko na alintana kung punong-puno na ako ng dugo, at malansa ang nasasanghap kong hangin.

Sa palagay ko, hindi lang dugo ang pinanggagalingan ng malansang amoy. Parang... parang nabubulok na bangkay?

"T-tulong!" Sigaw ko. Ilang beses ko pang kinalampag ang pintuan. "Tu-tulungan niyo p-po ako!" Saad ko. Sa bawat salitang binibitiwan ko, mas bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong takot. Ngayon ko nalang ulit naramdaman ang salitang pangamba. Sing bilis ng tibok ng puso ko ang pagdaloy ng dugo mula sa bintana at sa gripo.

"T-tulong..." nawawalan na ako ng pag-asa. Alam kong nangako ako kay Ate. Pero mukhang hindi ko na kakayanin. Dinaig pa nito ang bahay na nasusunog dahil sa suffocation na nararamdaman ng katawan ko. "Please. T-tulungan n-niyo ako..."

"Wala ng tutulong sayo! Mamamatay ka na! Matagal akong naghintay upang makapaghiganti. At ngayon, eto na ang tamang pana---"

Hindi natapos ng batang babae ang sasabihin niya. Doon na ako nawalan ng malay. Ang huli ko nalang nakita, may isang lalaking nakakulay itim na suot ang nasa tapat ng pintuan kung saan ako humihingi ng saklolo.

Saan niya ako dadalhin?

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon