X : Erick

484 45 26
                                    

Kabanata Ikasampu : Erick

Lorraine

"Putulin mo ang sumpa."

"Wala ng iba pang puputol. Kailangan mo ng tapusin ito. Isa lang sa inyo ang pwedeng manalo. Ang kasamaan o ang kabutihan."

"Isang malaking kamalian ang nagawa namin noon. Pero nagsisisi na kami. Alam naming huli na. Pero kailangan mo parin itong tapusin."

"Lorraine... ikaw nalang ang pag-asa."

"NAY!" Napasigaw ako. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Natulala ako sa pader. Napaupo ako mula sa pagkakahiga. Hingal na hingal ako sa hindi malamang dahilan. Pawis na pawis din ako. "Panaginip lang pala," bulong ko sa sarili. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasaan ako?

"Mabuti naman at gising ka na," napalingon ako sa boses ng lalaki. Nakasuot siya ng kulay itim na plain tshirt. Fit din iyon sa katawan niya kaya naman... napalunok ako ng laway. First time kong makaramdam ng ganitong... takte! Pagnanasa ba 'tong nararamdaman ko? "Ayos ka lang?" Tanong nito kaya naman nadako ang mata ko sa mga mata niya.

"Galit ka ba sa itim?" Tanong ko sa kaniya. Kahit kasi ang mata niya, sobrang itim. Well. Hindi naman na bago 'yon pero... ang relo niya, tshirt, jogging pants, at sapatos kulay itim. "Buti nakikita ka pa sa gabi," saad ko pero hindi ko alam kung narinig pa niya iyon.

"Hmmm... my favorite color. Let's not go with that topic. Anong nangyari sa'yo kanina? Nang makita kita, bigla ka nalang nawalan ng malay," sabi nito bago umupo sa upuang nasa tapat ng kamang inuupuan ko ngayon.

Napatulala tuloy ako sa kamay ko. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina sa loob ng banyo. Hindi ko alam kung maniniwala siya kung sasabihin kong bumaha sa loob ng CR at may mga kamay na humawak saaking paa. Tumitig ako sa maitim niyang mata. Bakas dito na gusto niyang malaman ang totoong nangyari saakin kanina.

"S-salamat nga p-pala. Pero paano ako napunta dito?" Tanong ko sa kaniya. Hangga't maaari ayoko ng sabihin pa sa kaniya kung anong nangyari saakin. "At tsaka nasaan ba ako?" Tanong ko pa ito. Mukhang wala naman ako sa ospital dahil kulay asul ang pader.

"Nandito ka sa bahay ko," sabi niya.

"Bakit mo ako dinala dito? Bakit hindi mo ako dinala sa ospital o kaya nama'y ginising mula sa pagkakawala ng malay?" Tanong ko.

"Isa akong nurse. Tsaka masyadong malayo ang ospital. Buti na nga lang at malapit lang ang exit sa CR kung saan ka nawalan ng malay. Naisakay kaagad kita sa kotse ko. So? Ano ngang nangyari sa'yo?" Tanong nito. Napalunok tuloy ako ng laway.

"Bakit ba gusto mong malaman?" Tanong ko sa kaniya.

"Masama ba?"

"H-hindi naman," tumingin ako sa iba. Takte talaga. Bakit ba ako natitiklop kapag tumitingin ako sa mata niya? Normal ba 'yun? "Hindi ko kasi alam kung maniniwala ka sa sasabihin ko," sabi ko sa kaniya.

"Why?"

Bakit ba ang dami niyang tanong? Hays. "May nakita ka bang baha kanina sa loob ng CR?" Tanong ko sa kaniya. Kumunot tuloy ang noo niya.

"Baha? Sa loob ng CR? Are you kidding me?" Tanong nito. "Wala namang baha doon. Kahit nga basang sahig wala," sabi pa nito. Ngayon, ako naman ang napakunot ang noo.

"Wala?"

Tumango naman siya. Anong ibig sabihin no'n? Ano 'yon? Ako lang nakakita sa baha? Pero ang taas no'n. Abot na sa noo 'yon e. "Pwede mo bang linawin saakin lahat. You're acting weird," sabi pa nito.

"Ah. Wala. Nadulas lang siguro ako sa CR."

"Siguro?"

"'Yung totoo? Nurse ka ba o Reporter? Dami mong tanong e," sabi ko. "Bumabagyo ba no'ng nakita mo ako?" Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya. Ibig sabihin, 'yung baha hindi totoo? Pero 'yung bagyo, totoo. "Paano mo pala nalaman na nasa loob ako ng banyo?"

"Humihingi ka ng tulong right? You're weird. Bukas naman 'yung pintuan pero no'ng datnan kita para kang hindi makalabas. Nakahawak ka pa sa doorknob. 'Di ka ba marunong magbukas ng pintuan?" Kunot noong sabi nito.

"Nakalock 'yun kanina," sabi ko.

"Nakalock? Hindi ah. Hindi mo ba alam na wala namang lock 'yung labas? 'Yung lock no'n ay nasa loob," sabi niya pa saakin.

Napasinghap ako ng hangin. Ang weird talaga. Ibig sabihin, lahat ng nakita ko, wala lang 'yun? I mean, hindi naman pala talaga totoo? Ano 'yun? Nakatulog ba ako sa loob ng CR? Panaginip lang ba 'yung lahat ng 'yon? Tumingin na ako ngayon sa mga mata niya. "Ako pala si Lorraine. Kanina pa tayo dada ng dada dito hindi pa ako nakakapagpakilala. Ikaw?"

Lumunok muna siya ng laway. Nakita ko pa 'yung adams apple niya na tumaas-baba. Kailangan ko bang makita talaga 'yung maliit na bagay na 'yun!? Takte lang talaga.

"Erick."

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon