XXII : Dugo sa Mukha

291 30 3
                                    

Kabanata Dalawampu't-dalawa : Dugo sa Mukha

Lorraine

"Anong tinitingnan mo?" Tanong sa akin ni Erick bago lumingon sa likuran niya, kung saan ako nakatitig. "Gutom ka ba? O kulang sa tulog? O baka naman dulot 'yan ng kawirduhan mo?" Aniya bago ibalik sa akin ang mga tingin niya. Pero may bakas ng gulat sa mga mata niya kaya binigyan ko siya ng kunut-noo at salubong na kilay.

"Anong nangyari sa'yo? Ikaw yata 'tong wirdo e," pagbabalik ko sa kaniya ng sinabi niya sa akin. "Mukha kang k'wago. Ang laki ng mata mo," pagsasabi ko ng totoo kahit pa med'yo kinakabahan na ako. Hindi naman sad'ya ang pagkagulat niya, kaya alam kong may nakita talaga siyang nagpagulat sa kaniya.

"'Y-yung sugat mo dumudugo," ngatal niyang sabi habang nakatingin sa mukha ko.

"'Yun lang? Nagulat ka na? Eh 'di ba nurse ka? Dapat sanay ka na sa dugo. Asus. Niloloko mo lang yata ako na nurse ka e," sabi ko sa kaniya bago tumayo sa higaan ko. Bumaba ako sa kama at hinatak ang dextrose ko na may gulong sa pinakababa. "Nurse raw siya tapos itim ang paboritong kulay. Ano 'yun? Black nurse gano'n?" Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas ng k'warto.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong niya sa akin nang makarecover siya mula sa pagkagulat.

"Naiihi na ako," sabi ko habang hawak-hawak ang tagiliran ko. May kumikirot na sakit do'n na siguro galing sa natamo kong sugat. Takte talaga 'yung magkakapatid na mga multo na 'yun. 'Di man lang ako nakaganti. Ay tanga! Paano ako makakaganti eh multo na nga pala ang mga 'yon. "Saan ba ang CR dito?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad sa hallway ng ospital.

'Di tulad ng sa panaginip ko kanina, maraming tao rito at may mga nurse na naglalakad sa kung saan-saan. May mga tulad ko ring pasyente na nakawheel chair at tulak ng mga nurse nila. "Do'n sa kaliwa," pagtuturo niya habang sumasabay sa paglalakad ko. "Teka 'yung sugat mo dumudugo pa rin," pagpapa-alala niya. "Akin na, lilinisin ko muna."

"Mamaya na. Ihing-ihi na ako. At sasamahan mo ako," mamaya bumaha nanaman sa banyo. Malakas pa naman ang ulan ngayon. Mukhang matatagalan ang pag-alis ng bagyo sa bansa. Ibig sabihin may tsansa na balikan ulit ako ng batang babae at ng mga kapatid niya. Hays. Dapat na ba akong masanay sa panggugulo nila?

Sinunod ko ang direksyon na tinuro ni Erick sa akin. Pero hinatak niya ako sa may parang cashier na ewan. Basta may mga nurse doon at may tinatype sa nga computer. Sila siguro 'yung tanungan ng mga rooms at kung anu-ano pa. "Nurse, p'wede bang makahingi ng bulak diyan. Dumudugo kasi ang sugat nitong kasama ko," magalang na sabi ni Erick sa nurse na kaharap niya.

Pinilit kong bawiin ang braso ko, pero sadyang malakas si Erick kaya wala akong nagawa kung 'di ang manatili sa tabi niya kahit ihing-ihi na ako. Napatingin sa akin 'yung nurse at nagtatakang itunuon ang tingin niya kay Erick. "Siya ba 'yung kasama mo?" Tanong ng nurse na ang pinupunto ay ako.

"Oo. Pakibilisan naman oh. Ang dami ng dugo sa mukha niya. Hindi mo ba nakikita?" Sabi ni Erick bago muling tumingin sa mukha ko. "Miss?" Pagtawag ni Erick sa atens'yon ng nurse na nakatulala sa akin.

"Ayos ka lang ba? Eh wala namang dugo sa mukha niya. Ayan ah, nakatakip lahat ng sugat niya. Kumpleto ka ba sa tulog? Baka kulang ka sa kain? Nagdrugs ka ba?" Sunud-sunod na tanong ng nurse kaya napahawak ako sa mukha ko. At tama nga siya, wala namang tumutulo na dugo sa mukha ko. Maayos at malinis na nakatakip ang mga sugat ko.

"Ha? Anong wala e ayan---" nahinto si Erick sa sasabihin niya nang tumingin siya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at takang-takang nakatingin sa mukha ko. "Paanong nawala? Kanina ang daming dugo. Kanina bukas 'yang sugat mo at nananariwa," bulong pa niya na narinig ko naman.

"Alam mo kung bakit biglang nawala?" Tanong ko sa kaniya. Napatitig siya sa akin ng maigi at hinihintay ang sasabihin ko. "Ito 'yung sinasabi ko sa'yo na hindi mo paniniwalaan kahit ipaliwanag ko pa sa'yo," sabi ko bago ko siya hatakin papunta sa banyo.

Mukhang trip din si Erick ng batang babae.

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon