I : Unos

1K 76 20
                                    

Kabanata Una : Unos

Lorraine

"Kailangan mong putulin ang sumpa," sabi ni Ate. Siya na lamang ang huli kong kasama. Sa aming limang magkakapatid, ako at siya na lamang ang nananatiling buhay pa. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanang mata niya. Nanginginig na din ang mga kamay niya nang ilapat niya ang mga ito sa magkabilang pisngi ko. Malamig din ito at halatang kinakabahan sa hindi ko alam na dahilan.

"A-anong sumpa ate?" Tanong ko sa kaniya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Bakas dito ang takot. Basa na rin ang mga suot namin. Kanina pa kami nandito sa loob ng bahay. Malakas ang ulan at hindi namin magawang lumabas sa loob ng bahay. Sa hindi malamang dahilan, kusang nagsarado ang mga bintana at pintuan. Nakalutang na lahat ng gamit sa loob ng bahay, halos bewang ko na rin ang baha at wala paring tigil sa pagtaas ito dahil sa malakas na buhos ng ulan sa labas ng bahay.

Umiling si Ate.

"Hindi mo na kailangan malaman. Balang araw, babalik ang unos. Kailangan mong maghanda. Babalik sila. Sa ngayon, kailangan kong masiguro na makakaligtas ka sa unos na ito. Kailangan kong masiguro na merong isa sa ating angkan ang makakaligtas sa sumpa't puputulin ito," mahabang saad ni Ate. Lumingon siya sa kabuuan ng bahay namin. Ito pa ang pamana saamin ng mga namayapa naming mga magulang. Kami na lamang ang naninirahan dito. Gawa sa semento ang bahay namin kaya hindi na lumalabas pa ang tubig, bagkus tumataas pa ito.

Hinawakan ako ni Ate. Dahil nga hanggang bewang na ang tubig sa loob ng bahay, mabagal na lamang ang aming mga lakad. Hindi na namin magawang iangat ang mga paa namin sa malalim na baha. Hindi na nga rin namin iniisip kung anong maaapakan namin dahil nakapaa lang kami. Hindi namin inisip na baka mayroon kaming maapakan na---

"AHH!" Napahinto kami sa paglalakad nang mawalan ng balanse si Ate sa paglalakad. Nahulog siya---buti nalang sa sofa't hindi bumagsak sa baha. Malalim na ito't paniguradong malulunod siya kung hindi na siya makabangon pa. "Ang sakit!" Sabi pa niya.

"A-anong m-masakit ate?" Tanong ko. Nakita kong hawak niya ang kanang paa niya. Mula roon, nakikita ko na nagiging kulay pula na ang maduming tubig baha. "A-ate may sugat ka!" Natataranta kong sabi. Naiinis na ako dahil hindi namin magawang lumabas sa bahay na 'to. Khng hindi pa titigil ang ulan at hindi pa titigila ng pagtaas ng baha, malulunod na kami dito. Walang second floor ang maliit naming bahay kaya mabilis na tumaas ang baha.

"A-ayos lang ako," sabi ni Ate nang hawakan niya ako sa kamay. "Kailangan mo ng makaalis dito sa loob ng bahay. Kailangan mong mabuhay," sabi ni Ate. Dahan-dahan niyang itinayo ang kaliwa niyang paa. Ika-ika siyang naglakad. Hindi ko man makita, alam kong ang kanang paa niya'y tumingkayad dahil bahagyang tumangkad ang kanang balikat niya.

Dumaretso kami sa pintuan ng bahay. Tumingin si Ate sa paligid ng bahay at nakita ang isang maso na gamit ni tatay noong nabubuhay pa siya. Kinuha niya kaagad iyon at ilang beses na pinukpok ang pintuan. "Lumayo ka Lorraine," sabi ni Ate habang patuloy sa malakas na pagpukpok sa pintuan. Halos mangiyak-ngiyak na rin ako dahil umabot na sa leeg ko ang baha, samantalang hanggang dibdib naman ni Ate ito.

"A-ate... natatakot ako," sabi ko. Naiyak na ako dahil sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung tuluyan ng umabot sa ilong ko ang tubig baha. Napatingin naman saakin si Ate.

"'Wag kang matakot Lorraine. Hangga' nandito si Ate, hindi ka niya pababayaan. Basta ipangako mo na puputulin mo ang sumpa. Kailangan mo ng umalis. Dalian mo," sabi ni Ate bago malakas na pinukpok ang doorknob ng pintuan. Natanggal ito't bumukas ng bahagya ang pintuan. "Umalis ka na. D-dalian mo!" Sabi nito at pwersahan akong tinulak palabas ng bahay.

"H-hindi ka ba sasama?" Tanong ko kay Ate. Hindi pa ako lumalabas at pinipilit na hatakin ang kamay niya.

"Hindi. Hindi pwedeng magkasama tayo. Kundi pati ikaw ay---"

Nakita ko kung paano hatakin ng tubig baha si ate. Paakyat-akyat siya upang kumuha ng hangin pero hindi niya kinaya iyon. "L...lumabas k-ka na!" Kasabay ng sinabi ni Ate ang pagsarado ng pintuan at pagkabagsak ko sa sahig. Agad akong tumakbo patungo sa bintana ng bahay upang makita ang nangyari kay ate. Doon ko na lamang nakita ang kalusnos-lunos na sinapit niya. Ang mga mata niya, nakadilat. Malaki ang tyan dahil siguro sa mga nainom niyang tubig baha. At---

---at may saksak siya ng mahabang tubo sa likuran niya patungo sa tiyan.

"ATE!"

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon