XVII : Pasilyo

441 38 2
                                    

Kabanata Ikalabing-pito : Pasilyo

Lorraine

Nagtaasan ang lahat ng balahibo saaking katawan. Pero mas nangibabaw parin saakin ang kursyonidad. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nanggagaling ito sa kaliwang pasilyo. Mas lalo akong tinaasan ng balahibo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong manatili sa loob ng kuwarto ko at hintayin na dumating nalang ang doktor at nurse. Madilim ang buong pasilyo, at paminsan-minsan nagliliwanag dahil sa patay-sindi at nag-iisang fluorescent bulb.

"Lorraine... tulungan mo ako..."

Umihip ang malakas na hangin, mula sa kaliwang pasilyo patungo sa kanan. Walang katao-tao sa buong lugar. Anong meron? Magulo na rin ang buong paligid. May mga dextrose na nakabagsag sa sahig kasama ng ilang mga wheel chairs. Mas lalo akong kinunutan ng noo nang makakita ng ilang mga taong nakahiga sa sahig at mukhang... mukhang wala ng mga buhay ang mga ito.

Napalunok ako ng laway. Tumingin ako sa likurang bahagi ko, ang kwarto ko. Madilim din dito. Pikit mata akong napahinga ng malalim. Ano ba talagang nangyayari? Bakit parang pakiramdam ko nasa gitna ako ng isang horror movie?

Patay-sindi na fluorescent bulb.

Malakas na ihip ng hangin.

Nagkalat sa sahig na dextrose at wheel chairs.

At mga bangkay sa sahig.

Idagdag mo pa ang masangsang na amoy na sa tingin ko ay nanggagaling sa mga patay. Lumabas na ako ng kwarto ko. Desidido akong malaman kung anong nangyari at bakit ganito kagulo ang buong paligid. Kahit na may parte sa utak ko na nagsasabing manatili nalamang ako sa loob ng kwarto. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa boses.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang ko. Kahit malakas ang hangin sa pasilyo, hindi maitatangi ang pawis na unti-unting nabubuo sa noo at batok ko. Tinatangay ng hangin ang iilang parte ng buhok ko. Ilang beses pa akong nagpakawala ng malalalim na buntong hininga. Tanging ang ingay lamang ng patay-sinding ilaw ang maririnig mo. Hindi ko na makita kung ano ang nasa dulo ng pasilyo dahil wala ng ilaw doon.

Malapit na ako sa flourescent bulb nang bigla akong mapatalon sa gulat dahil sa may malamig na kung anong humawak sa paa ko. Laking gulat ko nang makita ang kamay ng matandang lalaki na nakahandusay sa sahig na hawak ang paa ko. "BITIWAN MO AKO!" Malakas kong sigaw. Dahil magaan lang naman ang dextrose na bitbit ko, iniangat ko iyon at pinukpok sa kamay ng matanda.

"Lorraine... tulong... bilisan mo..."

Agad akong napatingin sa dulo ng pasilyo. Napahinto ako sa pagpukpok sa kamay ng matandang lalaki. Ang lamig ng kamay niya, halatang bangkay na siya. Tinitigan ko mabuti ang nasa dulong pasilyo. Naaaninag ko ang isang hugis ng babae. "S-sino k-ka?" Tanong ko dito. Pero sa halip na sumagot, pagtangis lamang ang narinig ko mula sa kaniya. Mabilis kong sinipa ang kamay ng matanda, hindi naman siya nagsasalita kaya mukhang wala na siyang buhay.

Agad kong hinatak kasama ko ang dextrose. "K-kailangan mo ba ng t-tulong? H-hintayin mo ako!" Nagmamadali kong sambit habang binabagtas ang madilim na pasilyo. Wala na kasing ilaw dito kaya ang inaasahan ko nalang ay ang pakiramdam. Napahinto ako sa pagtakbo. Hinihingal. Para bang hindi ako napupunta sa dulo ng pasilyo. Parang walang katapusan na pagtakbo ang kailangan ko.

"Nandyan ka pa ba?" Tanong ko rito. Pero walang sumagot. "Nasaan ka na?" Tanong ko pa pero wala akong narinig na kahit ano. Bagkus, nakakabinging pagsabog ng ilaw ang narinig ko. Mukhang natuluyan na ang kaninang patay-sinding bumbilya. Napailing na lamang ako. Nasaan ba kasi ang mga tao rito? Bakit walang kahit isa manlang?

Mali.

May isa palang natira. May isa palang humihingi ng tulong. Pero nasaan na kaya ang isang 'yon? Minabuti ko na lamang na maglakad pabalik sa kwarto ko. Pero pagtalikod ko, kasabay nito ang pagtayo ng balahibo ko sa katawan ko. Napaupo ako sa sahig. "P-Pauleen? A-anong---"

"IKAW ANG MAY KASALANAN NITO! HINDI MO AKO TINULUNGAN! NGAYON... IKAW NAMAN ANG MAMAMATAY!"

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon