XXVII : Kasama ka sa Hukay

284 29 9
                                    

Kabanata Dalawampu't-pito : Kasama ka sa Hukay

Ryan

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng ospital. Papunta ako sa kung saan nakaconfine si Lorraine. Hindi kami close, pero nang makita ko kung anong nangyari sa kaniya, kung gaano karaming sugat ang natamo niya na hindi namin parehong alam ni Pauleen kung saan nanggaling, naawa ako sa kaniya. Siguro naman walang dahilan kung bakit ako naawa sa kaniya bukod sa ang dami niyang sugat.

Nasa tapat na ako nang k'warto niya. Parang may kung anong nangyayari sa loob no'n kaya naman binuksan ko agad ang k'warto. Nakita ko si Lorraine na nakaupo sa kama niya, at parang takot na takot. Sa gilid naman may lalaki na parang kinakapos ng hininga at nakahawak sa leeg niya. Hawak din niya ang bandang likuran niya.

"Ryan?" Ani Lorraine nang makita niya ako.

May itatanong pa sana ako, nang biglang mapansin kong tila dumilim ang lahat. Parang gumagalaw ako sa ere, pero hindi ko alam kung paano nangyari. Basta madilim ang lahat, hanggang sa mapunta ako sa rooftop ng ospital. Hindi ko alam kung paano kaya tumindig ang balahibo ko.

Nagring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag, at nakita ko sa screen na si Pauleen iyon kaya sinagot ko.

"Kalspxjanqllwbdpapajabjzmwe."

"Pauleen? Hello? May sinasabi ka ba?" Tanong ko sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya mula sa kabilang linya kaya napatingin ako sa signal ng telepono ko. Mataas ito dahil nasa rooftop ako kaya malabong chuppy lang. "Hello? Pauleen?" Tanong ko pa sa kaniya dahil may sinasabi siya na hindi ko maintindihan.

Parang 'yung cellphone niya nakalubog sa tubig tapos nagsasalita siya kaya hindi ko maintindihan. Maya-maya pa, nahagis ko ang cellphone ko dahil sa malakas na boses na narinig ko. Parang galing sa ilalim ng lupa. Sobrang lamig ng boses at hindi ko maipaliwanag.

"Paki-elamero." Ani nito sa kabilang linya na nagdulot ng kaba sa sistema ko.

Agad akong napalingon sa paligid ko. Malamig ang hangin, at umaambon. Basa ang sahig. Minaigi kong magpunta na sa hagdan upang bumaba, pero lumakas ang hangin at tila ayaw akong payagan nito na bumaba. Mas lalong tumindig ang balahibo ko nang may isang batang babae ang tumayo sa hagdan.

May nanggagalaiti itong mga mata. Ang mga kamay niya, puno ng sugat. Mataba ang tiyan nito, at may madungis na katawan. Mukha siyang taong grasa. Pero basang-basa, at may tumutulo pang tubig mula sa damit niya.

"S-sino ka?" Tanong ko rito pero sa isang kisap-mata, nawala ito sa paningin ko. "Bata?" Luminga-linga ako sa rooftop. Napapausog ako sa ginagawa ko dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Paki-elamero ka kasi," hindi ko alam kung saan galing ang boses na 'yon. Pero kaboses niya 'yung nasa kabilang linya kanina. "Kung hindi ka sana pumasok sa k'warto ni Lorraine. Hindi ka sana mamamatay ngayon."

Dahil sa sinabi niya, mas napa-urong ako. "S-sino ka? Nasaan ka?" Matapang kong saad. Napatingin ako sa likuran ko, hindi ko napansin na nasa may bakal na harang na ako ng rooftop. "Lumabas ka!" Sigaw ko. Mukha akong tanga dahil mukha namang wala akong kausap.

"Nandito ako."

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan, ang paglitaw ng batang babae na nasa hagdan kanina. Kung sa malayo, nakakatakot siya pagmasdan, ngayon, mas nakakatakot siya lalo. Sa iba't-ibang bahagi ng rooftop, may tatlo pang bata na pawang nakakatakot din ang hitsura.

"Ngayon, isasama ka na rin namin sa hukay," ani ng batang babae bago ko naramdaman ang sarili kong nahuhulog sa mataas na gusali.

Sobrang bilis ng mga pangyayari.

Ang huli kong naaalala, ay ang namamanhid kong mga likod. Masakit ang likuran ng ulo ko. At maraming taong nagkakagulo habang pinapalibutan ako.

#

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon