Wakas [2]

381 31 4
                                    

Wakas : Ikalawang Bahagi

Lorraine

"Umakyat kayo sa taas ng double deck. Akyat!" Sigaw ng batang babae. Nakarinig kami ng mga langitngit. Mukhang sinunod ng mga kapatid niya ang sinabi niya.

"Ate! Tumataas pa ang tubig!" Ani ng batang lalaki. "Tulong!" Ilang beses na sigaw nito. Namayani sa buong bodega ang pag-iyak nilang apat. Narinig kong patuloy sa pagtaas ang tubig.

"A-ate..." nanghihinang saad ng kapatid ng batang babae. Mukhang kinakapos na ito sa hininga.

"Jessica! Jessica!"

"Ate... h-hindi ko na k-kaya..."

"Aaron! Teka, Aaron!" Iyak ng batang babae. "Alex! Gumising kayo! Alex! Jessica!"

Namayani ang iyak ng batang babae habang patuloy pa rin ang pag-ulan. Tumigil siya sa pag-iyak, pero hindi ang kaniyang paghikbi. "Isinusumpa ko, sa oras na ako'y mamatay! Kasama ang mga kapatid ko, maghihiganti kami! Sa bawat unos na darating, isa sa pamilya ni Linda ang mamatay! Kasama ang kaniyang mga anak! Ang ikinamatay namin, ang siya ring kikitil sa buhay nila!" Sigaw niya bago kumulog ng malakas. Kasabay no'n, ang paghahabol niya sa hininga.

"P'wede niyo ng idilat ang inyong mga mata," sabi ni Anita kaya dinilat ko ang mga mata ko na punung-puno ng luha. "Kasalanan ng nanay mo ang sumpa ng batang babae," saad ni Anita. Ayokong maniwala na si mama 'yon, pero narinig ko.

"5 years ago, namatay sila mama at papa dahil inabutan sila ng bagyo sa labas ng bahay. Dahil sa baha hindi sila naka-uwi at hindi na namin nakita pang muli. 3 years ago, ang mga kapatid kong si Kuya Lucas, at Ate Levi, nalunod dahil sa pagsuswimming sa baha. Hindi malalim ang baha noon, at hanggang bewang lang, pero nalunod sila. Si Kuya Jasper naman, nadulas sa loob ng banyo, nagsisisigaw siya noon ng baha. May bagyo rin noon. At si Ate Helena, kasama ko noon nang bumagyo at bahain kami sa loob ng bahay..."

"...ang buong akala ko, coincident lang ang lahat. 'Yun pala, kasalanan nila mama kaya galit na galit sa amin ang kaluluwa ng batang babae," ani ko bago muling umiyak. "Pa-paano natin puputulin ang sumpa?" Tanong ko bago mapalingon kay Anita.

"Hawakan niyo ito," binigyan niya kami ng tig-isang kandila ni Erick. May hawak din siyang kandila. "Humawak kayo sa libro," aniya na siya namang sinunod namin. Nasa gitna ang itim at makapal na libro kung saan nakahawak kaming tatlo. "Kaluluwa ng batang babae, lubos kaming humihingi ng tawad sa nangyari sa inyo ng kayo'y nabubuhay pa. Ang iyong sumpa, nais naming putulin. Sa iyong nais, o hindi, ito'y amin ng---"

"Walang kapatawaran ang ginawa sa amin ng iyong inang si Linda," malamig na boses ng batang babae. Umiiyak siya kaya naman nakakabingi ito sa tainga. "Nawala ang pangarap ng mga magulang namin para sa aming magkakapatid. Nawala ang mga pangarap namin dahil sa iyong ina!" Sigaw niya kaya nabasag ang ilang mga bumbilya sa gusali. "Hindi ako papayag, na hindi ko rin makuha ang buhay niyo! Hindi ako papayag, na mabubuhay ka Lorraine."

"Pero wala akong kasalanan!" Giit ko.

"Wala rin naman kaming kasalanan! Pero pinatay kami ng iyong ina! Walang kapatawaran! Buhay para sa buhay! Ang buhay mo ay kukuhain ko na!" Sigaw pa niya kaya tumalsik kaming tatlo sa iba't-ibang lugar. Naramdaman ko kaagad ang sakit ng aking likuran dahil tumama ako sa isang lamesa.

"Lorraine... sumama ka na sa amin..." napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko.

"P-Pauleen?"

"Kinuha niya rin ang buhay namin. Kasalanan mo ito..."

"Ryan?" Hindi ako makapaniwala. "P-patay na rin kayo?" Naiiyak kong saad. Sabay silang tumango.

"Hindi namin siya mapigilan. Masiyadong malakas ang kapit niya sa'yo. Pasensya na... hindi ka namin matutulungan..." umiiyak na sabi ni Pauleen bago sila nawala sa harapan ko. Iyak ako ng iyak. Dahil sa kasalanan ni mama, ang daming buhay na nasayang. Ang daming buhay na kinuha ng sumpa ng batang babae.

"Lorraine!" Sigaw ni Erick mula sa ibang direksyon.

"Ako nga pala si Jeniva. Ang pinatay ng nanay mo," napalingon ako sa likuran, kung nasaan ang batang babae. "At ngayon, isasama na rin kita sa hukay," aniya bago ko naramdaman ang mga kamay niya sa leeg ko.

"Bitawan mo siya!" Sigaw ni Erick pero tumalsik lang siyang muli nang titigan siya ni Jeniva.

"Binibigay ko sa'yo ang kaluluwa ko," matapang kong saad. "Kung ito ang puputol sa sumpa naming magkakapatid, binibigay ko sa'yo ang buhay ko," dagdag ko pa.

"Mabuti naman. Bakit mo naman naisipan 'yan?" Tanong niya sa akin.

"Dahil ito ang pangako ko sa mga kapatid ko. Ito ang pangako ko kay ate Helena. Puputulin ko ang sumpa---"

Wala na akong sunod pang nasabi. Dahil namalayan ko na lang, na nasuka ako ng nasuka. Hindi ko alam kung paano, pero sumuka ako ng patay na palaka, daga at mga uod. Hanggang sa tumalsik ang katawan ko sa salaming pader kung saan tumilapon ako papalabas ng mamihan. Bumagsak ako sa kalsada, at ilang beses na nasagasaan ng mga dumaraang sasakyan.

"Tapos na ang sumpa, naputol mo na..." boses ito ni ate Helena.

"Sasama ka na saamin..." si kuya Jasper.

"Namiss ka namin anak... sorry..." si mama.

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang pagmasdan ang kalangitan sa huling mga oras ko. Maya-maya pa, tumalsik din si Erick sa salaming pader at bumulagta rin sa tabi ko. Wala na siyang buhay.

"A-akala ko ba putol na ang sumpa?" Nanghihinang bulong ko sa sarili.

"Salamat. Makakasama na natin si kuya sa kabilang buhay." Ani Jeniva.

- Wakas -

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon