XIII : Buhay

471 40 3
                                    

Kabanata Ikalabing-tatlo : Buhay

Lorraine

Maputi.

Maraming dugo.

Mapupulang mata na lumuluha ng dugo.

Basang damit, katawan at buhok.

At matatabang tiyan na halos pumutok na sa sobrang laki. Dinaig pa nila ang buntis na may triplets na anak sa loob ng tiyan.

Hindi ko maiwasang mapahakbang patalikod. Hindi ko maiwasang manghina ang mga tuhod ko. Totoo ba itong mga nakikita ko? Lima sila. Lahat bata at ang pinakamatanda siguro ay ang nasa harapan ko, 'yung babaeng palagi kong nakikita. Lahat sila, umiiyak, umiiyak ng dugo. Pero nakangiti ang mga labi nila. Para bang matagal na nila itong gustong gawin pero may pumipigil sa kanila.

"Mararamdaman mo ang puot ng unos. Mararamdaman mo ang sakit na aming dinanas! Lintik lang ang walang ganti!" Malakas na sigaw ng babae. Ang boses niya, parang boses ng tatlong tao. Malaki, maliit at parang hinukay sa kailaliman ng lupa. Halos mabingi ako sa malakas na boses niya. Tumawa pa siya ng malakas kaya sumakit ang tainga ko. Sa pagtawa niya, mas lalong lumakas ang ulan sa labas. Kumidlat ng ilang beses at nasundan ng malalakas na kulog.

Lumakas na rin ang hangin sa loob ng kusina. Parang may ipo-ipo dito. Bumukas ang lalagyanan ko ng mga babasaging pinggan at lahat itoy lumutang sa ere. Kasama sa mga lumutang ang kutsilyo, tinidor at mga babasaging baso. Lahat ito, nakatutok saakin. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Mukhang ito na ang katapusan ko. Wala ng magliligtas saakin dahil kahit ilang beses akong sumigaw ng malakas, wala ng makakarinig saakin dahil sa mas malakas na bugso ng ulan.

Humagikgik ang mga kasama niya. Lahat sila may kulay pulang mata. Noong una, hagikgik lamang, hanggang sa kalauna'y naging malakas na itong pagtawa. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nakakabingi. Nakakabaliw. Lahat sila, kakaiba ang boses. Malaki na maliit na parang doble ang boses niya. Ano na bang dapat kong gawin? Hindi ako makakatakbo dahil nasa daanan sila.

"Ipaparanas namin sa'yo ang mga bagay na ipinaranas saamin ng iyong ama't ina. Buhay ang kapalit ng buhay. Kapatid ang kapalit ng kapatid!" Sigaw ng babae.

"Para niyo ng awa! Tumigil na kayo!" Malakas na sigaw ko habang nakatakip ang dalawa kong kamay sa tainga ko. Tumingin ako sa paligid. Napapaligiran ako ng mga kutsilyo at tinidor. Lahat ng matalim na dulo nito, saakin nakatutok.

"Awa? Hindi niyo kami pinakinggan noon! Wala kayong awa! Hindi niyo kami binigyan ng awa kaya dapat lang na mamatay ka na!" Sigaw ng isang bata sa likuran nito.

Napaluhod na ako sa sahig. Ang sakit sa tainga. Malakas ang ulan. Malakas ang kulog. At pati na rin ang boses nila sobrang lakas na matinis. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tumulo nalang ang luha ko. Sa totoo lang, wala akong ideya sa tinutukoy nila. Buhay ang kapalit ng buhay? Ano ba talagang kailangan nila saakin? Bakit ba nila ako ginagambala?

Gusto ko sanang sabihin sa kanila iyon, pero nagulat ako nang biglang mabasag ang lahat ng babasaging baso't pinggan. Lahat naman ng plastic na baso't pinggan malakas na tumama sa katawan ko. Kahit na plastic ang iba doon, may mga malukong parin na matigas ang ilalim. Kinoberan ko ang ulo ko dahil mukhang 'yun ang target ng mga malukong.

Ni minsan hindi ko naisip na aabot sa ganito ang lahat. Ni hindi nga ako naniniwala sa mga multo pero... heto sila't ginugulo ako sa hindi ko malamang dahilan. Nakalutang na ang mga bubog sa ere kasama ng mga kutsilyo at tinidor. Naubos na rin ang mga plastic na baso't tinidor na bumabalibag saakin. Nangangatog na ang buong katawan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"A-ano b-bang k-kailangan ni-niyo saakin!?" Tanong ko sa kanila.

"Anong kailangan namin? Simple lang naman. Ang kailangan namin ay kung anong kinuha niyo sa amin...

...buhay."

#

An : Mas intense ang mga susunod na kabanata. Basahin niyo kasi ng gabi para mas may thrill haha. Salamat sa pagbabasa :)

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon