XI : Penoy, Balot

512 41 4
                                    

Kabanata Ikalabing-isa : Penoy, Balot

Lorraine

[Hoy Lorraine! Saan ka ba nagpunta kanina? Bakit hindi ka na bumalik after lunch? Ikaw ha! Umiis-style ka na! Kunwari pupunta ng national pero---]

"Pauleen, kilala mo ako. Hindi ako tumatakas sa trabaho ko---kung 'yan ang iniisip mong ginawa ko kanina," pagtatanggol ko sa sarili ko. Hindi naman nila ako puwedeng I-judge. Aba, kung alam lang nila kung gaano kasama ang nangyari saakin kanina sa loob ng banyo. Para tuloy ayoko na mag-CR sa SM. Nakaka-trauma. Baka mamaya tuluyan na akong malunod sa susunod.

[Hindi 'yon! Masyado kang guilty ah!]

Narinig ko pa sa kabilang linya ang paghagikgik niya. Takte. Bakit ba kasi tumawag pa ang isang ito. Mag-aalas nwebe na ng gabi pero may tawag pa galing sa kaniya. First time yata sa buhay ko na may tumawag sa cellphone ko. Madalas na pampalipas oras ko lang itong gadget na ito. Halimbawa maglalaro ako ng mga games, o kaya may isesearch lang na kailangan sa trabaho---'yun lang ang gamit nitong cellphone.

"Bakit ka ba tumawag?" Straight na tanong ko sa kaniya. Pauwi na kasi ako sa bahay. Ngayon lang ako pinayagan ni Erick na umuwi. Ewan ko ba doon. Baka gusto talaga akong mapahamak kaya gabi niya ako pina-uwi. Hays. Takte talaga 'yung lakaki na 'yun. Alam ko dapat akong magpasalamat dahil niligtas niya ang buhay ko, pero kasi... kapag naaalala ko 'yung mga kayabangan niya kanina---bwiset.

[Eh ikaw kasi e! Hindi ka na bumalik sa trabaho then makikita nalang kita na buhat-buhat ng fafa boylet!]

Napahinto ako sa paglalakad. Malapit na ako sa bahay. "Buhat-buhat ng fafa boylet?" Tanong ko sa kaniya. Ibig sabihin ba no'n nakita niya akong buhat ni Erick palabas ng SM?

[Oo! 'Yung buhat pa niya sa'yo parang bagong kasal. Boyfie mo ba 'yon? Hihi!]

Naglakad na lamang akong muli. Bakit ba kasi nagkaroon ako ng co-worker na sobrang daldal at ingay. Buti pa si Ryan, hindi ganoon kaingay. Hindi nga siya nagsasalita kapag hindi naman importante... sayang daw laway niya para sa wala. Paano kaya kung si Pauleen gano'n din ang motto? Hays. Edi sana hindi nasisira ang eardrums ko ngayon sa kaniya.

"Wala akong boyfriend, Pauleen. Bye na. Baka masagsaan pa ako dahil hindi ko marinig na may paparating na kotse sa daan dahil sa ingay mo," diretsong sabi ko bago ibaba ang tawag ng hindi manlang hinihintay ang sagot niya. Hindi naman siguro harsh ang tawag saakin? Self protecting lang naman 'di ba? At tsaka baka mamaya mamatay ako dito sa gitna ng kalsada, tapos si Pauleen ang maging suspect dahil siya ang huli kong kausap sa telepono.

Lumiko na ako ng street. Mga ilang metro nalang ang lalakarin ko. Kaunti nalang ang taong dumaraan sa kalsada. Pero atleast meron pa. Tahimik na rin sa lugar. Tanging mga kuliglig na lamang ang maririnig mo sa paligid. Hindi ko alam pero sobrang pagod na pagod ako. Ang daming nangyari. At ayoko ng alalahanin pa sana pero kada makakakita ako ng patak ng tubig, naaalala ko agad ang nangyari kanina saakin sa loob ng banyo.

Nagulat ako sa biglang pagliwanag ng kalangitan. Sinundan ito ng nakakabinging ingay ng kulog. Tumingin ako sa kalangitan at wala akong nakitang mga bituin. Mukhang pati ang klima ng panahon ngayon ay napagod din sa mahabang araw. Iiyak nanaman yata siya. Nako. 'Wag lang talaga ulit akong bahain. Kundi hindi ko na alam kung paano ililigtas ang sarili ko.

"Penoy Balooooot! Chicharon Baboy!"

Nagkatitigan kami ng matandang lalaki na naglalako ng Penoy Blot. Napatingin siya sa gawing likuran ko. Bumakas naman doon ang takot sa mukha niya kaya napalingon ako sa likuran ko. Wala namang tao doon o magdadahilan ng pagkatakot niya. "Manong, pabili nga po ako ng---" lalapit sana ako sa kaniya para bumili ng penoy pero kumaripas na agad siya ng takbo.

Anong nangyari do'n?

Nasa tapat na ako ng bahay. Hindi ko na inintindi pa ang matanda. Baka dala ng katandaan kaya kung ano-anong imahinasyon ang pumapasok sa isip. Pero ang nakikita ko ngayon sa harapan ko, siguradong hindi imahinasyon. Hindi ko alam kung dapat na akong pumasok sa loob ng bahay, o humingi ng tulong dahil sa nakaambang panganib.

Nagpapatay-sindi ang ilaw ng bahay ko.

#

An : Some parts is not Scary. Medyo papaga-angin ko din naman ang loob niyo, minsan. Pero 99.9% tatakutin ko kayo xD. Salamat sa pagbabasa :)

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon