XII : Pusang Itim

507 43 16
                                    

Kabanata Ikalabing-dalawa : Pusang Itim

Lorraine

Nangangatog ang kamay ko. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako sa loob o hindi. Patay-sindi ang ilaw sa loob. Baka mamaya may magnanakaw. Ewan ko ba kung bakit ako natatakot ng ganito. Isa na sigurong dahilan ng pagkatakot ko na baka maulit ang nangyari kanina sa akin noong nasa Banyo pa ako. Patay-sindi din ang ilaw noon. Tapos nagbabadya pa ang ulan kaya naman hindi ko alam kung papasok ako.

Napailing ako.

Ano ba 'tong mga iniisip ko? Baka naman pundido na talaga 'yung ilaw ng bahay ko. Takte. Bakit kasi ngayon lang nagpakita 'yan ng senyales na mapupundi na siya, edi sana nakabili na agad ako ng bagong bumbilya kanina. Tsk.

Kinuha ko na ang susi ko mula sa bulsa ko. Pero dahil nangangatog parin ako sa hindi malamang dahilan, bumagsak ito sa lupa. Hinawi ko ang buhok ko na hinahawi ng malakas na hangin. Kada kikidlat pa nagugulat ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Kumulog ng malakas kaya mabilis akong yumuko para abutin 'yung susi. Habang nakayuko, may naramdaman akong dumaan sa likuran ko kaya tiningnan ko muna kung sino.

Pero wala naman.

Baka guni-guni ko lang iyon. Yumuko na ulit ako at inabot ang susi. Tsaka ko binuksan ang padlock ng gate. Pumasok na ako sa loob ng bahay pero may nararamdaman parin ang tumatakbo sa likuran ko kaya maya't maya rin ang tingin ko. Hindi ko na nga namalayan na pinagpapawisan na ako. Nilock ko nalang ulit ang gate ng bahay bago buksan ang pintuan ng bahay. Tuloy parin sa pagpatay-sindi ang ilaw sa loob.

Ayos lang naman saakin na matulog ng patay ang ilaw. Mas sanay akong natutulog ng patay ang ilaw. Bumuhos na ang malakas na ulan. Puro kulog ang maririnig mo. Para ngang gusto ng gibain ng ulan ang bubong ko sa sobrang lakas ng pagbagsak nila. Tuluyan ng namatay ang ilaw. Mukhang pundido na. Wala naman akong naaalalang binuksan ko ang ilaw kanina bago ako umalis. Napakunot ang noo kong nilapag sa sofa ang payong na dala ko kanina.

Mas naging alerto ako ng may marinig akong pagbasag ng baso. Nabasag ito kaya naman bumilis muli ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kaya hinawakan kong muli ang payong ko. Wala akong kahit anong bagay na nakita na malapit saakin at puwedeng ipang-self defense kundi ito lamang. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kusina. May naririnig pa ako roong ingay na parang naghahalungkat.

Tumatagaktak na ang pawis ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay saakin sa kusina. Lalo na't madilim. Mas mahihirapan akong harapin ang kung sino mang nandoon. Kung bakit ba naman kasi isa lang ang ilaw sa loob ng bahay ko. Dahan-dahan at maingat ang bawat yabag ng paa ko sa sahig. Hindi ako puwedeng makita ng kung sino man ang nasa kusina, kailangan ko siyang unahan.

Napatingin ako sa likuran ko nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may dumaan kahit wala naman. Binalik ko ang tingin ko sa kusina, baka sobrang kinakabahan lang ako kaya kung ano-anong nararamdaman ko. Kaunting lakad nalang at nasa kusina na ako kaya mas binagalan ko pa ang lakad ko. Nandoon parin ang kung sinong humahalungkat ng gamit ko sa kusina. Parang may hinahabol na...

May hinahabol?

Napatingin ako sa isang aninong gumagalaw. Parang may hinahabol siyang kung anong bagay? O hayop? Kulay itim itong nilalang na may kung anong hinahalungkat sa bawat sulok ng kusina ko kaya naman hindi ko siya makita ng maayos.

"MEOW!" Galit na galit ang kulay pulang mata ng pusa nang makita niya ako. Takte! Nagulat ako sa biglaang pagtalon ng pusa sa harapan ko. Kinalmot pa nito ang binti ko kaya naman napadaing ako sa hapdi. Agad kong hinampas ang pusa ng payong kaya agad din itong lumabas sa bahay gamit ang maliit na bintana sa kusina.

Akala ko naman may tao sa loob ng bahay. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Lumakas pa lalo ang ulan. Humapdi rin ang kalmot ng pusa kaya tumalikod na ako para maglakad papunta sa sala. Pero pakiramdam ko mawawalan na ako ng dugo dahil sa nakita ko.

Dahil sa kidlat, nakita ko ang kabuuang anyo niya...

Nila.

#

An : So ayun. Sabi ko hanggang 10 Chapters lang. Kaso mahaba pala. Siguro mga 20? Hehe. Pero ewan. Bahala na si Batman. Thank you pala kay MiloShitsuren sa pagvovote ng mga works ko :) He read, AJKT, AMKT, Precognition, at ito. (Tama po ba? Hehe)

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon