XVIII : Bangungot

487 45 1
                                    

Kabanata Ikalabing-walo : Bangungot

Lorraine

"LORRAINE!"

Malakas na uga ang gumising sa akin. Gulat akong napaupo at lumayo nang makita ang mukha ni Pauleen. Kunot ang noo nito at bakas sa mata ang pagtataka't pagkabahala. Hindi ko naman alam kung anong dapat kong maging ekspresyon. Parang kanina lang ay ibang iba ang Pauleen na nakita ko. Sobrang layo niya sa Pauleen na nasa harapan ko ngayon.

Pinahid ko ang mga butil ng pawis na tumutulo sa likod ng tainga, noo at pisngi ko. Napayakap na lamang ako sa tuhod ko habang hindi maalis ang takot sa kalooban ko. Bangungot. Isang hamak lamang na bangungot iyon na sobrang kinatatakutan ko. Parang totoo. Alam kong bawat nangyari sa bangungot ay alam na alam ko pa. At lalong hindi ko makakalimutan ang itsura ng Pauleen na nakaharap ko doon.

"Lorraine? Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Pauleen pero hindi ko ito binalingan ng tingin. "Nasa labas lamang ako ng pintuan mo kanina at kausap ang doktor pero narinig kitang sumisigaw," umupo siya sa sulok ng kama, nakatalikod saakin at nakaharap sa pader na nasa harapan ko rin. "Tiningnan kita at nakita kong parang binabangungot ka lang naman kaya sabi ko sa doktor ako na ang bahala. Ano ba talagang nangyari?" Napatingin siya saakin. "Ano bang napanaginipan mo?"

Napalunok ako ng laway.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kaniya ang buong detalye ng napanaginipan ko o kahit isang parte lamang nito. O baka dapat kong sabihin na ayos lang ako at hindi naman ganoon kasama ang napanaginipan ko?

Umiling ako.

"W-wala."

"Wala?" Kunot noong tanong nito. "Sobrang takot na takot ang mukha mo kanina kung nakita mo lang. Kunot na kunot ang noo mo at sobrang namamawis ka kaya ginising kita. Hindi naman siguro 'yon basta lang na wala."

Tinitigan ko siya sa mata.

Ang maputi niyang mukha na sing kinis ang balat ng sanggol.

Mapangusap na mga mata.

Bagsak at maayos na buhok.

Malayong-malayo sa napanaginipan kong Pauleen.

"See? Tingin ko hanggang ngayon naaalala mo parin ang napanaginipan mo. Mind to share it to me?" Tanong ni Pauleen. Itinuon ko ang paningin ko sa labas gamit ang bintana. May kalakihan ito kaya naman nakita ko kung gaano kadilim sa labas.

"T-tingin ko u-uulan," pag-iiba ko ng paksa. Napatingin ako kay Pauleen. Tumaas ang isa nitong kilay pero binaba rin niya ito kalaunan. Siguro ay alam niyang ayokong pag-usapan ang tungkol sa napanaginipan ko.

Tumingin din siya sa labas ng bintana kaya naman binaling ko nalang din doon ang mga mata ko. "Sabi sa balita, magsstay ang bagyong Bagos sa Pilipinas ng halos isang linggo. Kung hindi ako nagkakamali, ang bagal ng kilos nito. 20 kilometers per hour."

"Eh? Parang dinaig pa niya ang ibang bagyo na tatlong araw langa ng tinagal," napapaisip na sambit ko. "Nga pala," napalingon ako kay Pauleen at ganoon din siya. "Sinong nagdala saakin dito sa ospital?" Tanong ko sa kaniya.

"Ah. Umaga na kasi nang makita kita sa loob ng bahay mo. Grabe, kung nakita mo lang ang itsura ng bahay mo. Parang sampung unggoy ang pumasok. Tapos mas lalo akong nagulat nang makita kong nakadapa ka sa sahig. May kutsilyo, bubog tinidor. Ano bang nangyari sa'yo? Buti buhay ka pa," parang nanay na sermon ni Pauleen.

Napatahimik naman ako.

"Naniniwala ka ba sa multo?" Matapos ang matagal na katahimikan, nagsalita ako. Napakunot naman ang noo nito. Wari'y sinasabing ulitin ang tanong ko. "Ang sabi ko, naniniwala ka ba kako sa multo?" Pag-uulit ko sa tanong.

"Multo? Ah... hindi?"

"Bakit naman?"

"Kasi, duwag lang ang naniniwala sa kanila. Or, hindi lang talaga nagpapakita ang mga multo saakin dahil natatakot silang takungin ko sila," natatawang sabi ni Pauleen.

Ngumiti nalang ako, pero sa likod ng ngiti ko, meron paring parte na gustong sabihin kay Pauleen na... totoo ang mga multo.

#

An : Updating for 3 days. So sana kayanin ko. Hehe. Salamat sa mga nagbasa! Last June 26, #60 na ito sa Horror. So maraming salamat po :)

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon