XVI : Bulate

460 41 3
                                    

Kabanata Ikalabing-anim : Bulate

Lorraine

"Anong oras ho ba siya magigising?"

"Basically, she will wake sooner or later."

"Ayos lang naman ho siya 'di ba?"

"Oo. Ayos lang naman siya. I will go now. Sabihin mo nalang sa nurse o kaya saakin kapag may kailangan ka."

Sinalubong ng ilaw ang mga mata ko. Hinintay ko na mag-adjust ang paningin ko dahil hindi pa ito sanay sa liwanag na nagmumula sa ilaw. "Gising ka na!" Hindi ko alam kung sino ang nagsalita, pero base sa boses niya, mukhang kilala ko na kung sino. Naghintay pa ako ng ilang sandali, hinintay ko na mawala ang liwanag kaya naman hindi nagtagal, nakita ko na rin ang nagsalita.

Bumungad saakin ang nakangiting labi nito, pero bakas ang lungkot sa mukha niya. "Anong ginagawa mo rito? A-anong g-ginagawa k-ko rito?" Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto. Maputi ang buong espasyo kaya naman nag-assume akong nasa ospital ako. May dextrose naman na nakasaksak sa kanang kamay ko kaya mukhang tama nga ang hinala ko kung nasaan ako ngayon.

"Hindi mo ba naaalala ang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang tanong nito saakin. "You make me worry as hell, Lorraine. Akala ko talaga patay ka na kaya agad kong tinawagan si Ryan. Ang daming dugo sa loob ng bahay mo. Basa rin ang lahat ng kagamitan. Para kang binagyo sa loob ng bahay mo," sambit ni Pauleen. "Ano ba talagang nangyari sa'yo? Buti nalang talaga at nakita kita kaagad. Ayon sa doktor, halos isang oras ka ng walang malay nang matagpuan kita."

Napakunot ang noo ko. Maniniwala kaya siya kung sasabihin kong... binagyo nga ako sa loob ng bahay ko? Binaha pa nga ako e. Iaangat ko sana ang paa ko pero wala akong maramdaman doon. Gusto kong gumalaw, pero wala talagang nangyayari. Napatingin ako kay Pauleen. Mukhang kahit siya ay naguguluhan. "A-anong n-nangyayari!? Ba-bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko!?" Tanong ko rito.

Tumulo naman ang isang patak ng luha mula sa kanang mata niya. Mukhang natatakot din siya sa nalaman. Maging ako... hindi ko alam kung nananaginip ba ako o ano pero... hindi pwedeng hindi na ako makalakad. Kailangan ko pang magtrabaho. Kailangan ko pang putulin ang sumpang sinasabi ni Ate Helena.

"Nurse! Nurse!" Mabilis na tumakbo palabas ng kwarto si Pauleen. Wala lang isang minuto nang bumalik siya kasama ang isang nurse at doktor. "H-hindi daw ho niya maigalaw ang mga paa niya," malumanay na sabi ni Pauleen sa doktor.

Agad na tinanggal ng doktor ang kumot na nakabalot saakin. Doon ko lang napagtanto na... ang daming uod sa paa ko. Kadiri. Nakakasuka. Ang daming uod. Ang ilan sa mga ito'y pumasok na sa laman ng binti at hita ko. Kaya pala hindi ko na maigalaw dahil may mga bulate na rito. Nagulat naman kaming lahat dahil sa biglaang pagtalon ng isang palaka. Lumalaki ang leeg nito kaya nakakadiri.

Nilayuan ako ng nurse at doktor. "T-teka! Ga-gamutin niyo ako!" Malakas na sigaw ko. Lumayo lamang sila hanggang sa nawala sila sa dilim. Dumilim ang buong paligid. Kinapa ko ang binti ko gamit ang mga kamay kong nangangatog sa takot. Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko pero sobrang natatakot na ako. Nang mahawakan ko ang binti ko, napahinga ako ng malalim.

Walang butas.

Walang bulate.

Walang palaka.

Lumingon ako sa buong kwarto. "Nasaan na kayo? Pauleen? Doc? Nurse?" Tawag ko rito. Iginalaw ko ang mga paa ko. Tumayo na ako mula sa higaan at hinatak ang dextrose. Naglakad na ako ng nakapaa. Ang lamig ng sahig pero hindi ko iyon ininda at lumabas na ng kwarto ko. Tatahakin ko sana ang kanang pasilyo pero may narinig akong paghingi ng saklolo.

"...Lorraine... tulong..."

#

An : Basically, my last update before I Hiatus. Sayang at hindi ko manlang natapos ang kalahati ng istorya. Yes. Pakalahati palang. At mas exciting pa ang mga susunod kaya sayang. I need to focus in my studies at may isa pang reason. So ayan. Salamat sa mga nagbasa. Babalik din naman ako. On hold muna ito (sayang reads xD). Bye~

BahaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon