Diana's POV ...
"Lagi mong tatandaan Elaiza.. na kahit anong mangyari mahal na mahal kita" Masuyong ko bulong sa aking minamahal habang naka-paloob ito sa aking mga bisig.
"Mahal na mahal din kita Diana" Tugon naman niya saka ito kumalas saking bisig at marahang hinawakan ang aking magkabilang pisngi bago ako nito masuyong hinalikan sa labi. Naramdaman ko naman ang mga maliliit na kuryenteng dumadaloy sa aking katawan nang maglapat ang aming mga labi.
Hayy.. Mababaliw siguro ako pag nawala sa aking ang babaeng ito.
"Hmmm.. Siya nga pala Love, may dadaluhan akong business conference sa susunod na araw" Saad nito nang mahiwalay ang aming mga labi.
"Ahh.. Ganun ba? Gusto mo samahan kita? Pwede ko namang ibilin nalang kay Ely ang mga trabaho ko" Sagot ko naman.
Pwede naring kasi namin maging quality time iyon pag nagkataon.
"Hindi na Love... kaya ko toh, mga tatlong araw lang naman ako ruon... At saka nakakahiya kay Ely kung iiwan mo ang mga trabaho mo sa kanya. diba?" Tugon nito.
"Okay, sige sabi mo... Basta mag-iingat ka nalang duon. okay? Lalo na't wala ako sa tabi mo para bantayan at protektahan ka sa mga unggoy naaligid sayo" Bilin ko naman.
"Noted yan Love, isa pa pala.. Ahmm. ano kasi .. kasama ko si John na dadalo sa conference na yun" Nag-aalangan na sabi nito.
Bigla naman akong natahimik sa sinabi niya.
"Magsalita ka naman uy... Wala naman akong ibang gagawin duon, kundi ang dumalo sa conference na yun.. Love, wala akong ibang gagawin duon na ikapapahamak ng relasyon natin pangako"
"Sinusubukan ko naman na intindihin ka pati ang sitwasyon mo... Pero pagdating kay John nagiging makitid ang utak ko" Tugon ko naman.
Kababata kasi ni Elaiza si John idagdag mo na magkasosyo sa negosyo ang dalawang pamilya kaya ninanais ng mga magulang ni Elaiza na si John ang mapangasawa nito balang araw.
"Sorry Love... kung ganyan ang nararamdaman mo ang gusto ko lang naman pagkatiwalaan mo ako dahil ikaw lang ang mahal ko" Saad nito habang direktang nakatingin sa mga mata. Maski ang mga mata nito sinasabi rin na ako lang ang mahal niya at wala ng iba pa.
"Mahal rin kita... kahit sa simula palang ay hindi na ako gusto ng pamilya mo sayo" Tugon ko.
Sa loob kasi ng apat na taon relasyon namin ni Elaiza ni minsan hindi nila ako tinaggap bilang nobya ng kanilang anak at gumagawa pa sila ng mga hakbang para paghiwalayin kami. Pero sadyang mahal namin ni Elaiza ang isat-isa kaya hindi sila nagtatagumpay.
"Hmmm... Nagugutom kaba? Gusto mo ipagluto kita?" Tanong nito.
"Ahhmm... Hindi ka ba uuwi ngayon?" Balik na tanong ko rito.
Ngumiti lang ito saka umupo sa lap ko at ginawaran ako ng halik sa noo, sa tungki ng ilong at ang pinaka huli ay saking mga labi.
"Hindi po.... alam at ramdam ko kasi na nagtatampo sakin ang mahal ko kaya dito muna ako sa tabi niya... Gusto kong sulitin ang bawat oras na kasama ko siya ngayon" Sagot naman nito.
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam na alam talaga niya ang kahinaan ko.
"Ugh! Ang sweet mo talaga! Halika na nga magluto na tayo... baka magbago pa ang isip ko at ikaw ang makain ko" Biro ko.
Napangiti naman ito saka pinisil ang ilong ko bago tumayo.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...