Chapter-2

1.4K 38 0
                                    



Diana's POV ...


Mabilis lumipas ang mga araw, linggo at buwan akala ko sa pagbalik ni Elaiza mula sa dinaluhan nitong conference ay babawi ito sakin gaya ng kanyang pinangako pero... nagkamali ako maling mali...

"Bakit hindi mo kaya siya subukang kausapin? Kesa naman ganito... Para kang tangang nangangapa sa relasyon niyo?" Payo ni Ely.


Napabugtong hininga nalang ako.


"Sinabi ko naman na sa inyo kung ano ang sinasagot niya sakin diba? Na okay lang daw siya na pagod at busy lang siya sa trabaho niya ngayon kaya wala siyang oras sakin ngayon" Malungkot na tugon ko naman. Hindi ko kayang maging matapang ngayon kung ang pinagmumulan ng kalakasan ko ang problema ko ngayon.


Hindi talaga ako kumbinsido sa mga dahilan niya, kasi ako mismo sa sarili ko ay may nararamdamang mali sa nangyayari ngayon... Pero dahil sinasabi naman niyang okay siya at wag na akong mag-alala ay pinapakita ko nalang sa harap niya na napapanatag ako and it's really killing me...


"Kelan paba ganyan ang pakikitungo niya sayo?" Tanong naman ni Jes.


"Ahh... Magdadalawang buwan na ata? Di na ako sigurado" Tugon ko naman.


Matagal narin na ng ganito nalang ang naging takbo ng relasyon namin plain and cold. Pag magkasama kami ay palagi naman itong tulala na para bang sobrang lalim ng iniisip niya at maya-maya pa ay bigla nalang itong mapapabugtong hininga.


"Eh... Baka naman talagang stress lang siya... pero kung may kakaiba ka ng nararamdaman at napapansin Diana mag-imbestiga kana, diba sabi mo since bumalik siya dito galing business trip at naging ganyan na siya? Malay mo may nangyaring di maganda sa kanya dun lalo na kasama niya si John" Sabi ni Jessica.


Napayukom naman ang mga kamao ko. Malaman ko lang talaga na may ginawang katrataduhan yang John na yan kay Elaiza babasagin ko mukha niya at sisiguraduhin kong hihiram siya ng mukha sa aso.


"Wag kang mag-alala tutulungan ka namin... kaka-usapin ko rin si Carly at ang mga iba na niyang kaibigan para magtanong-tanong kung may alam ba sila sa nangyayari ngayon kay Elaiza" Sabi ni Izabelle.


"Maganda yung naisip ni Izabelle.... Diana sabihin mo lang kung ano pang maitutulong namin sayo willing kaming tumulong" Dagdag pa nila.


Ang laking pasalamat ko talaga dahil may mga kaibigan akong tulad nila, di ka iiwan sa oras nang pangangailangan.


.

.

.


Nitong nakaraan araw ay dito natulog si Elaiza sa Condo ko. Gusto lang raw niya akong makasama natuwa naman ako dahil akala ko babawi na siya at aayusin namin ang nagkakalamat naming relasyon, na tutuparin na niya ang pinangako niya sa akin. Gaya ng dati umasa nanaman ako.... Hindi na tulad ng dati ang masaya pag nandito siya, Ang plain nalang ng pakikitungo niya saakin hindi ko na ramdam yung love and excitement sa mga mata niya at sobra akong nasasaktan dahil duon pakiramdam ko sinasaksak niya ng harap-harapan ang puso ko, at wala man lang akong magawa kundi ito tanggapin nalang ang mga ginagawa niya... Mahal ko ehh.


...


"Hmm... Love?" Sabi ko habang kinakapa siya saking tabi pero agad din akong napabalikwas ng marealize kong wala si Elaiza sa aking tabi.


Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon