Chapter-28

480 26 6
                                    







Celine's POV...






"Ma... Bakit!?... Bakit kelangan ikaw pa?... Ikaw pa ang maging ka-agaw ko sa puso niya?" Hagulgol ko sa harap nang puntod ng aking Ina.





Ang sakit sakit lang isipin na kaya lang ako minahal ni Diana dahil nakikita at nararamdaman niya ang presensya ni Mama sa akin.





"Celine... Halika na mas lumalakas na yung ulan oh... Baka magkasakit kapa" Nag-aalalang alo sakin ni John Vic. Pero di ako natinag patuloy parin ako sa pag-iyak. Gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko sa tabi ng aking Ina. Sakto din naman nakikiramay sa pighati ko ang kalangitan.






Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na binuhat ako nito, hindi narin naman ako pumalag pa dahil sobrang nanghihina at nilalamig narin ako. Pero wala paring tatalo sa sakit na nararamdaman ko.





"Hindi na muna kita iuuwi sa inyo... Hindi natin alam baka nanduon pa si Diana at baka  mas lalo lang kayong magkagulo... Sa condo ko nalang muna kita dadalhin" Saad ni John Vic saka pinatay ang aircon ng kotse niya at may kinuha din itong jacket at pinasuot sa akin.





"Salamat" Nauutal kong sabi. Ngumiti naman ito bago ako hinagkan sa noo.





"Don't worry magiging ayos din ang lahat" Saad nito saka nagsimulang magmaneho.






.
.
.





"Sigurado ka naba dyan Celine?" Tanong sakin ni Sir Lloyd. Nagpasa na kasi ako ng resignation letter ko.




"Opo Sir..." Tugon ko naman, napabugtong hininga naman ito.





"Okay sige mukhang buo naman na ang desisyon mo... Nanghihinayang lang ako sa inyong dalawa ni Kath ang sisipag niyo pa man din pero sabi nga nila let people fly for their dreams" Sagot naman ni Sir.





"Sir nag-resign din si Kath?" Gulat na tanong ko.





"Oo, hindi mo ba alam? Mas nauna siyang nagpasa sayo ng resignation letter dahil may nahanap na raw itong magandang trabaho na malapit lang sa kanila" Tugon ni Sir.





"Ahh.. Ganun po ba" Sagot ko naman.





"If ever gusto mong bumalik dito sa shop ko malugod kktang tinatanggap... Isa ka sa pinaka hard working kong empleyado Celine" Saad ni Sir.





"Sige po Sir... Salamat sa lahat" Tugon ko bago lumabas ng opisina niya. Mahirap ang gagawin ko pero para sa akin rin ang lang ng ito.





After naming mag-usap ni Sir ay agad ko namang kinausap si  Kath.





"Kath? Balita ko nagresign ka rin daw?" Tanong ko rito.





"Ahh... Oo, may nahanap na kasi akong trabaho na mas malapit sa amin kaya duon nalang ako" Tugon nito.





"Ahh... Pwede ba akong sumama pauwi sa probinsya niyo?" Nag-aalangan kong tanong.





Lumaki kasi ako na si Tita Carly at Carly lang ang naging kasangga ko sa buhay. Kaya sa ganitong sitwasyon nagbabakasakali akong sana matulungan sana ni Kath. Ayaw ko naman ng idamay si Carly dito kaya wala talaga akong balak ipaalam sa kanya sa simula palang ang plano kong ito. Sobra narin naman ang abalang binibigay ko kay John Vic duon na kasi ako natutulog sa condo niya simula noong nag-away kami ni Diana.





Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon