Diana's POV...
"Goodluck sa laban mo Baby. Sorry hindi makakanuod si Mommy may thesis presentation kasi ako pero susubukan kong humabol okay? Andyan naman si Mama pati sila Tita Ely oara supportahan ka" Saad ni Celine habang inaayos nito ang suot na uniform ni Cyd. Napili kasi si Cyd na ilaban sa isang writing contest sa labas ng school nila. Naisin man sumuporta ni Celine ng laban ng anak namin ay hindi pwede dahil ngayon din ang Thesis defense niya.
"Okay lang po Mommy naiintindihan ko naman po. Medyo kinakabahan lang talaga ako dahil ito ang first time ko lumaban" Tugon ni Cyd saka pinagpag ang kamay niya.
"Cyd gawin mo lang ang best mo manalo ka man or hindi nandito kami ng Mama mo para sayo" Sagot naman ni Celine, napangiti naman si Cyd saka niyakap si Celine. Ilang linggo narin na nasa puder namin si Cyd at talagang nakapag-adjust na ito sa mga presensya namin dito sa bahay natatawag narin niya kami ni Celine ng Mommy at Mama na sobrang nakakataba ng puso. Sobrang saya pala sa pakiramdam na magkaroon ka ng sariling pamilya, akala ko noon na hindi ko na mararanasan.
"Halika na Cyd baka malate pa tayo" Aya ko rito saka binuhat ang bag niya. Mabilis namang itong humalik kay Celine sa pisngi saka ito patakbong pumunta sa kotse.
"Galingan mo sa Thesis defense mo Babe" Saad ko saka ito niyakap.
"Oo naman para sa inyo ni Cyd. Magdala ka ba ng maraming tubig? May dala kabang gamot mo dyan incase sumakit ang ulo mo?" Tanong nito mabilis ko naman siyang hinalikan sa labi. Kahit busy ito sa pag-aaral niya ay nakapahands-on Mommy and Wifey parin niya sa amin ni Cyd.
"Opo may dala po ako don't worry" Sagot ko naman.
"Basta pag-maaga kaming natapos susunod ako duon okay?" Saad ni Celine saka ako hinatid sa may sasakayan.
"Okay basta inform mo kami agad kung makakasunod ka okay?" Saad ko. Baka mamaya kasi paalis na kami papunta palang siya diba.
"Ready ka naba Cyd?" Tanong ni Ely saka pinaandar ang makina ng kotse.
"Opo, pero medyo kinakabahan po ako Tita Ely first-time ko po kasi" Tugon ng bata.
"Sus! Wag kang kabahan tiwala kaming mananalo ka Cyd. Ang Tita Jes ba naman ang coach mo sure win na yan Ahahaha.. Basta gawin mo ang best mo okay? Manalo or matalo proud parin kami sayo" Sagot naman ni Ely. Bukod kasi sa practicing nito sa school ay nilalapitan pa niya si Jes para turuan siya.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa venue. Sobrang daming estudyante galing ibat-ibang schools at may mga magulang at teachers din na very supportive sa mga lalahok ngayon.
"Mama ayan na po sila Teacher" Saad ni Cyd sabay itinuro ang Advicer niya na naglalakad papunta sa direksyon namin.
"Hi po Ms. Carlos ilang minuto nalang po start na yung laban dadalhin ko na po si Cyd sa classroom" Saad ng Adviso
"Okay po Teacher... Cyd yung bilin namin sayo hah? Manalo matalo proud kami sayo" Bilin ko sa kanya saka ito niyakap.
"Tara hanap na muna tayo ng pwedeng pagtambayan medyo matagal tagal din toh" Aya ni Ely. Pero dahil nga sobrang daming tao ngayon punuan ang mga bawat sulok ng school maski rin ang mga kainan sa tapat ng school kaya medyo napalayo kami ng kaunti.
"Woah! Ang hirap naman maghanap ng pagtatambayan nagutom tuloy ako" Reklamo ni Ely ako naman busy sa pagpupunas ng sarili dahil tagaktak narin ang pawis ko.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...