Celine's POV...
"Babe! Babe! May good news ako sayo" Masayang saad ni Diana.
"Ano naman yun? Bat sobrang saya mo?" Tanong ko rito saka sumobsub sa arm-chair ko inaantok pa kasi ako.
"Pinatawag kasi ako sa Dean's office kanina and sinabi ni Sir. Miranda sa akin na kasama tayo sa mga Dean's lister ngayong sem!" Masayang saad nito. Agad naman akong napabangon at tumingin sa kanya.
Seryoso siya!?
"Dean's lister tayo Babe!?" Tanong ko.
"Opo... Dean's lister tayo!!" Masaya nitong tugon. Agad naman akong tumayo saka siya niyakap ng mahigpit. Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sayang nararamdaman ko ngayon.
"Yes!! Yes!! Woah!!" Sigaw ko habang yakap-yakap ko siya. Lahat ng pinaghirapan namin this sem ay sobrang worth it!
"Congrats sa atin... Dahil dyan.. magdedate tayo kahit saan mo gustong resto. Kelangan natin icelebrate ang mga ganitong achievement natin" Saad niya.
"Talaga!? Sakto! sobra pa man din akong nagcrecrave ngayon sa garlic shrimp! Babe.... Thank you sa paligi mong pagtulong sakin makahabol sa lessons natin dahil nag-iba ako ng shift Babe... Hindi ko toh magagawa kung hindi dahil sayo" Saad ko.
Kahit kanina ko pa siya gustong halikan ayy.. Hindi pwede nasa loob kami ng classroom ang mga mangilan-nilan na mga classmates namin.
"Konti nga lang naitulong ko sayo... Yung motivation and hard mo na nakapasok ulit sa Dean's lister ang bumuhat sayo para makapasok ka ulit duon" Tugon naman niya.
...
"Congratulations sa inyong apat... Let's make a toast for that" Masayang saad ni Tita Elly saka niya itinaas ang wine glass niya.
"Cheers!" Saad naming lahat.
Hindi na kami nakapag-date ni Diana sa labas dahil niyaya kami nila Tita Elly at Tita Jes na magdinner dito sa bahay nila dahil kasama rin sa Dean's Lister si Ally at si Jesma. Sakto din naman dahil mga favorite dishes namin ang inihanda nila ngayong gabi.
"Sana sa susunod na sem mapasama narin ako sa Dean's lister" Saad ni Marian.
"Kaya mo yan anak... May tiwala kami sayo ng Mommy Jes mo" Sagot naman ni Tita Elly.
"Maybe... Bawas-bawasan mo ang pagdedate niyo sa labas ni Jesma at dito nalang kayo sa bahay para mag-aral" Biro ni Ally.
Nagtawanan naman kami dahil duon pero ang napansin ko mas maganda ang ngiti ni Carly. Bigla pa nga itong nagblush ng magawi ang tingin ni Ally sa amin.
May hindi sinasabi itong babaeng to sa akin.
"Pst? Sis ano yan? Bakit may mga paganyan kana? Crush mo si Ally noh?" Bulong ko sa kanya.
"Uy! Hindi hah? Ano kaba" Agad na tanggi nito.
Sus! Deny pa nahuli ko na nga siya...
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...