Chapter-34

510 24 4
                                    




Diana's POV...




Napangiti ako pagbukas palang ng mga mata ko ng magandang mukha ni Celine ang bumungad sakin. Payapa itong natutulog habang nakayakap sakin.



Yesterday was one of the best day of my life. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag kung gaano ako kasaya habang kinakasal kami ni Celine. Yung pagpalitan namin ng wedding vows, ang pagsagot namin ng I Do at ang pagsusuot namin ng aming wedding ring sa isat-isa.



This is the start of our lifetime happiness.



"Good morning Babe" Masayang bungad ko rito ng dumilat ito saglit bago pumikit din ulit. Ginawaran ko naman siya ng halik sa labi.



"Good morning din... Can we stay like this for a while?" Tanong niya saka marahang kinagat ang leeg ko. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko dahil nakikiliti ako sa ginawa niya.



"Pwede naman kaso di nga lang ako makakainom ng meds ko this morning" Sagot ko naman bigla naman niya akong tinulak palayo sa kanya.



"Bumangon kana pala dyan at mag-ayos, kumain kana para nakainom kana ng meds mo then dalhan mo nalang ako ng pagkain dito... I'm still sore" Utos niya.




Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero agad din iyong napalitan ng nakakalokong ngiti.




"Ugh! Diana!!" Tili nito dahil hinila ko kasabay ko yung kumot now she's just in her birthsuit.




Witwew!!





"Hoy! Akin na yang kumot!" Utos nito habang pinagkakasya niyang takpan ang kanyang katawan unan.




"Bakit mo pa tinatago yan Mahal ko ehh. nakita at natikman ko na ang mga yan kagabi" Natatawang saad ko at mas lalo naman akong natawa dahil singpula na ng kamatis ang buong mukha nito.



Ang cute niya lalo pag napipikon.




"Haist! isa Diana akin na yang kumot! at lumabas kana" Naiinis nitong sabi pero di parin ako lumalapit.




"Aba! Hindi ka lalapit!?" Banta nito akmang babatuhin ako ng basong na nasa sidetable.




"Oo na! ito na!" Sagot ko saka lumapit sa kanya pero kesa ibigay sa kanya ang kumot ay agad ko siyang binuhat patungo ng banyo.



"Aish! Diana talaga!" Tili nito. Hindi naman siya nagpumiglas pa baka kasi mabitawan ko ito.




"Kelangan na nating maging nature lover simulan na natin sa pagtitipid ng tubig" Nakangiting saad ko bago kami tuluyang nakapasok sa banyo.




.
.
.





"Hi newlyweds! Kain na tayo" Aya ni Carly habang kumakain ito ng cake.



Pinanghila ko naman ng upuan si Celine saka inasikaso ang mga kakainin nito. Gusto ko siyang pagsilbihan ngayon alam kong pagod ito kagabi at kanina hindi naman na niya ako pinigilan pa.




"Yung iba asan?" Tanong ko habang nagtitimpla ng kape namin ni Celine.




"Sila Tita Ely tulog pa sila Marian naman at Jesma naliligo na sa may dagat si Ally bumalik sa kwarto namin may kinuha lang saglit" Tugon ni Carly.



"So anong plano niyo ngayon? Kami nila Ally mag snorkeling kami maya-maya kunti" Dagdag nito.




"Sama kami dyan... Celine kaya mo naba?" Tanong ko rito kunwaring napatikhim naman si Carly.



Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon