Diana's POV...
"Fck! Ely... Saan mo naman nabalitaan yan?!" Gulat na tanong ko rito nang ibinilita kasi nito sakin ang nalalapit na kasal ni Elaiza at John. Parang bang may bombang biglang sumabog mismo sa harapan ko ng hindi ko manlang napansin.
Sobrang sakit ng nalaman kong na ikakasal na si Elaiza sa iba at hindi sa akin...
"Na banggit lang sakin nila Mommy kanina habang nag-uumagahan kami... invited kasi sila sa engagement party nito" Malungkot na sagot nito.
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko para lumabas lahat ng dugo... Sobrang sakit.
"Diana... Nakapag-usap naba kayo ni Elaiza?" Tanong naman ni Izabelle.
"Hii--hindi pa" Malungkot kong sagot, ilang araw ko narin kasi itong hindi makakasama at nakakausap man lang kaya hindi ko maitanong ulit sa kanya kung ano bang problema niya. Maski sa telepono ay out of coverage area siya... Ayaw ko man mag-isip na may nangyari na ngang masama sa kanya, pero sa mga ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam... Hindi ko na talaga alam...
Ano ba talagang nangyayari?
Bakit wala man lang akong kaalam-alam?
"Diana!"
Agad naman kaming napatingin sa pinanggalingan ng tinig. Nasa tambayan kasi kami ngayong magkakaibigan.
"Oh? Carly bakit parang nagmamadali ka ata?" Tanong ni Ely.
"Diana.... Diana.. may--- may kelangan kang malaman" Seryosong sabi nito.
Pakiramdam ko parang nasa isang kakera ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito... Dahil sa sinabi ni Carly at sa tono palang ng pananalita niya alam kong hindi ito magandang balita.
"Pero si lang Elaiza ang may karapatan na sabihin sayo ang lahat-lahat.... Ngunit ayaw siyang palabasin nila Tito ngayon kaya pinabibigay nalang niya sayo toh" Dagdag pa nito saka inabot ang isang puting sobre
Hindi ko alam kung bubukasan ko ba o hindi ang sobre pero para maalaman ko kung anu ba talaga ang nangyayari ngayon at nitong mga nakaraan ay naglakas loob na akong bukasan ito.
Diana ...
Kumusta ka na? Hiling ko nasa mabuti kang kalagayan ngayon pagpasensyahan mo ang malamig nang pakikitungo ko sayo nitong mga nakaraan may malalim lang akong problema at nais ko man sabihin ito sayo sa pamamagitan ng sulat na ito ay alam kong mas makakabuti kung personal ko itong sasabihin sayo..... Pasensya kana at ilang araw narin akong di nagpapakita sayo ikinulong kasi ako nila Daddy dito sa Mansion kaya pagdesisyonan ko na magtanan nalang tayo.... Alam kong biglaan ang pagyaya ko sayo na lumayo tayo dito pero ito lang ang paraan para makasama kita Diana.... Hihintayin kita bukas ng hapon sa tagpuan natin. At kung ano man ang mga naririnig mong balita tungkol sa akin at kay John ay wag na wag kang maniniwala at makikinig dahil desisyon yun ng aking mga magulang at hindi desisyon ko.... Ikaw lang mahal ko Diana at wala ng iba alam mo yan, Aasahan ko ang pagpunta mo bukas maghihintay ako.
Elaiza...
"Ano... Ano raw sabi sa sulat?" Pang-iintriga naman ni Izabelle.
"Gusto niyang lumayo na kami sa lugar na ito.... gusto niyang magtanan na kami" Sagot ko.
"What!? Sigurado ba siya? Baka mas lalo kayong mapahamak niyan? Alam mo naman siguro kung gaano ka-capable ang tatay niyang hanapin kayo" Tanong ni Jes.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...