Celine's POV...
2:35 am... Break ko ngayon sa trabaho kaya napagdesisyonan kong tawagan si Diana. Baka kasi gising pa ito naalala ko may tinatapos siyang project namin kaya alam kong magpupuyat ito.
Dialing Diana...
Wala pa atang tatlong ring ay sinagot na niya ito.
"Hi" Bungad nito halata sa boses niya na kakagising lang nito.
"Ahh.. Hi.. Sorry to wake you up... tinawagan lang kita kasi gusto ko lang sanang sabihin sayo na I miss you" Malambing kong sabi. Alam ko kahit hindi ko siya nakikita ay nakangiti ito ngayon sa sinabi ko.
"I miss you too... Breaktime mo ba ngayon?" Tanong nito.
"Yaah.. Pero maya-maya lang din back to work na ako... Tapos mo naba yung project na ginagawa mo?" Sagot ko naman. Rinig ko naman na parang bang may ginagawa siya sa kabilang linya.
"Yaah.. Kanina pang mga 1:00 am natapos ko na... Btw. anong oras out mo ngayon?" Tanong ulit nito.
"Hmmm... 4:30 am hindi muna ako mag-overtime ngayon... Ang pagod ko ehh gusto ko narin magpahinga after nitong shift ko" Tugon ko naman.
"Ahh.. Ganun ba sige... Susunduin kita" Sagot niya.
"Hah?" Ako naman ang nagtanong sa kanya.. Baka mamaya mali lang ako nang pagkakarinig.
"Sabi ko susunduin kita dyan sa work mo... Gusto ko lang makasigurado na safe kang uuwi... Besides I miss sleeping beside you... wala naman tayong pasok today and day mo right?" Sagot nito.
Nakangiti na ako habang kausap siya pero mas lalo akong napangiti ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi ko na alam kung saan ko itatago ang kilig ko ngayon.
I've made the right decision...
...
"Carly... nagkita kami kanina ni Diana sa party" Pagka-uwi na pagka-uwi ko palang ayy agad ko ng ikwinento dito ang mga nangyari sa party kanina.
Naguguluhan na kasi ako hindi ko na alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Nagkita kayo then?" Tanong nito. Para bang may hinihintay pang kasunod ang kwento.
"Date niya sa party si Chiara... Then nagpaalam ako mag-banyo I didn't know na sumunod ito sakin and then she asked me kung nagseselos ba raw ako kay Chiara.... and I said No, why would I?.... Tapos inamin naman niya sakin.... Na siya raw nagseselos kay John Vic after that she kissed me" Kwento ko.
"Hmm... Okay-okay bakit... Anong problema mo ngayon?" Tanong nito sa akin.
Hindi naman ako makaimik sa tanong niya.
Ano nga ba ang problema ko?
"Bakit hindi mo nalang kasi aminin sakin... Sa amin na gusto mo na nahulog kana sa kanya? At talagang pinagseselosan mo si Chiara?" Tugon ni Carly.
"Look Celine... I'm not numb para hindi ko mapansin na nahuhulog kana sa kanya habang tumatagal... Remember may bet tayo? Ahahaha.. tignan mo ngayon your consulting to me gaya ng sabi ko sayo noon.. right? Walang masamang aminin mo sa kanya at sa sarili mo yang nararamdaman mo... kasi kahit siya nakikita ko ring nahuhulog na sayo... Wag kang papalamon sa negative thoughts ng whaf if.. Kung mahal mo aminin mo atleast inamin mo sinubukan mo... Walang regrets na mangyayari sooner" Mahabang dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfikceSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...