After 20 Years...
Cyd's POV...
"Cyd, ready ka naba?" Tanong ni Ate Carly na nakasilip sa may pinto ng kwarto ko.
"Oo naman Ate Carly... Alam mo naman kung gaano ko hinintay ang pagkakataong ito" Nakangiti kong tugon sa kanya. Napangiti nalang ito saka pumunta sa kinaroroonan ko sa harapa ng salamin at marahan nitong hinaplos ang aking buhok. "Kung buhay lang ang Mommy Celine at Mama Diana mo... Sigurado akong sobra silang proud sa mga narating mo ngayon" Saad ni Ate Carly.
Napakagat labi nalang ako habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadya saking mukha. Geez! Ayaw ko umuiyak ngayon dahil siguradong masisira ang make-up ko nito.
Ngayon kasi ang launch ng bago kong libro na pinamagatang "Lifetime" totally hindi siya ang unang librong nilabas ko sa publiko simula ng maging sikat akong writer gaya ng pangarap namin nila Mama at Mommy. Ngayon ko lang siya ilalabas sa publiko dahil marami akong binago at inayos sa mga nangyari sa kwento. Actually that book was based sa lovestory ni Mommy Celine at Mama Diana, at nilabas ko siya today sakto sa kanilang death anniversarry.
"Halina sa baba kanina pa nila tayo hinihintay" Saad ni Ate Carly huminga muna ako ng malalim bago muling tumingin sa salamin para tignan ang aking sarili.
. . .
"Cyd, kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang mukha ni Tita Ely ang nabungaran ko noong idilat ko ang aking mga mata. Nilibot ko naman ang aking paningin sa buong silid, napakunot noo naman ako dahil duon dahil sa pagkaka-alam ko ay pupunta kami ng Tagaytay ngayon pero bakit ako nasa Hospital? At ... at bakit may mga nakakabit sa aking mga aparatos? Sobrang bigat din ng aking katawan pakiramdam ko may nakadagang bato sakin.
"An--ano pong nangyari? Bakit po ako nandito sa Hospital?" Balik na tanong ko. Bigla ko naman naalala sila Mommy Celine at Mama Diana kaya hinanap ko sila sa buong silid pero ni isang bakas nila wala akong makita."Tita Ely.. Asan po sila Mama at Mommy?" Dagdag ko pa.
Hindi siya sumagot pero nahuli ko ang paglungkot lalo ng kanyang mga mata dahil duon.
"Cyd.. ang mas mahalaga ngayon ay gising kana at kelangan mo magpalakas para makauwi na tayo" Tugon ni Tita Ely saka ako hinagkan sa noo.
Hindi na maganda ang kutob ko. Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanilang dalawa.
"Pero.. Tita Ely gusto ko pong malaman kung asan sila Mommy at kung okay lang po ba sila" Pagdedemand ko. Hindi naman wala akong respeto sa kanila sa wag ng pagtatanong ko pero hindi ko lang gusto ang ginagawa nilang pag tahimik ng ganito. Dahil noong nawala si Nanay ganyan din ang mga kinikilos ng kamag-anak ko noon.
Gusto ko lang mapanatag na okay lang sila na walang nangyaring masama sa kanilang dalawa.
"Makinig ka nalang sa amin Cyd. Baka maka-apekto ang nangyari sa pagrecover mo" Mahinahong sabi nito.
"Sige na po Tita Ely... Tita Jes.. gusto ko po malaman ang totoo" Pagmamakaawa ko. Nagkatinginan naman silang mag-asawa parang tinitimbang ang mga bagay-bagay.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...