Chapter-4

1K 32 0
                                    




Elaiza's POV ...


Pak!


Isang malutong na sampal ang aking natanggap mula sa aking Ama.. Halos hindi ko na nga maramdaman ang kanang pisngi ko dahil sa sorbang lakas ng sampal na yun... Nahuli kasi ako ni Dad at ng kanyang mga guards sa tangka kong pagtakas para makipagtanan kay Diana. 


"Yan!! Yan!? Naba ang naituturo sayo ng walang kwenta mong nobya hah!" Galit na sigaw nito, kitang kita ang ugat nito sa leeg dahil sa sobrang galit, rinig na rinig din ang boses nito sa bawat sulok ng sala ngayon.


Wala na akong pakealam sa mga sinasabi nila ngayon sakin. Dahil mas inaalala ko ngayon si Diana na kanina pa maghihintay saakin sa tagpuan namin.


"Bakit ba kasi pinipilit niyo ako kay John!? Hindi ko nga siya GUSTO at hindi ko siya MAHAL.. Si Diana!... Si Diana ang mahal ko at ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na ginahasa ako ng taong ipapakasal niyo sa akin! GINAHASA NIYA ANG ANAK NIYO!" Galit na sigaw ko rin dito.

Sinong anak ang matutuwa sa ganitong desisyon ng kanyang mga magulang na imbis kamuhian at magalit sa taong gumahasa sa anak nila ay nagtuwa pa sila at nais pa kaming ipakasal.


Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, gustong-gusto ko ng makita at mayakap si Diana, siya nalang ang rason ko kaya gusto ko pang mabuhay. 


Sobra kong kinasusuklaman ang pamilyang meron ako.. Kinakahiya ko sila! 


"Kung hindi ka magtatanda sa kalokohang niyong ito? Sinasabi ko sayo Elaiza bangkay mo ng makikita yang Carlos na yan!" Galit na saad ni Dad. 



"Alam mo ang kaya kong gawin Elaiza..." 


Mas lalo naman akong napaiyak, kilala ko si Dad pag sinabi niya... sinabi niya at wala siyang sinantong tao. Kaya sobra akong nag-aalala para sa kaligtasan ni Diana ngayon. Bakit ba kasi hindi nila maintindihan na hindi ako masaya sa gusto nila? Na iba ang gusto ko? Anak naman nila ako... Na sana kung saan ako masaya kaso hindi ganun ang sitwasyon ko. Mismong pamilya ko pa ang may ayaw sa gusto ko. 


"Wag na wag na kayong tatanggap ng bisita simula ngayonm... lalo na yung Hernandez na yun at mas higpitan niyo ang babantay niyo sa kanya" Bilin ni Dad sa mga kasambahay at guards bago ito umalis.


Agad namang lumapit sakin si Mommy.


"Anak... sundin mo nalang ang gusto Daddy mo" Alo sakin ni Mommy pero mabilis ko namang siyang tinulak palayo sakin. 


"Wag mo akong hawakan! Tao ako! Anak niyo ako! Mahirap bang intindihan na iba nga ang gusto ko!" Galit na sigaw ko rito kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Pero wala na akong pake... tinuro naman nila sakin toh diba? Ang kamuhian sila. 


Mabilis naman akong pumanik paakyat sa sa kwarto ko saka nagkulong. 


I'm sorry Diana... I'm sorry


"Elaiza!!!" 


Para naman akong nabuhayan ng dugo sa narinig, kilalang kilala ko kung kaninong boses yun. Hindi ako pwedeng magkamali boses iyon ni Diana! 


"Elaiza!!" Sigaw muli nito kaya agad akong tumayo at sumilip sa bintana at sobrang bilis ng tibok nang puso ko ng makita ko si Diana habang pinipigilan ng mga guard na makapasok sa aming Mansion. 


Agad naman akong bumaba kahit hinarangan ako nila Mommy ay nagawa ko paring makalabas para puntahan siya. 


"Sir please hayaan niyo nalang kami ng anak niyo na maging masaya" 

Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon