Diana's POV...
"Saan na tayo magtatago ngayon Love?" Nag-aalalang tanong sakin ni Elaiza.
Sobrang saya ng puso ko ngayon dahil sa wakas ay kasama ko na siya, naitakas ko na siya sa Mansion nila.... pero mas sasaya at mapapanatag ang kalooban ko kung tuluyan na talaga kaming makalayo sa lugar na toh.
"Basta sa isang private resort na binili ko noon, Alam kong ligtas tayo duon at tiwala rin ako na hindi nila tayo mahahanap duon" Sagot ko naman.
Wala ng atrasan toh para narin kay Elaiza at sa magiging Anak niya. Kayang-kaya kong tumayong magulang sa magiging anak niya at alam kong mas magiging mabuting magulang ako kesa kay John.
"Ahhh! Fck! Ang sakit! Love!!" Biglang daing sa sakit ni Elaiza habang hawak-hawak niya ang kanyang puson.
"Elaiza anong nangyayari? Anong masakit ----sht! Dinudugo ka!" Nagpapanic kong sabi habang nakatuon ang aking tingin sa pagitan ng kanyang mga hita.
Agad din naman niyang sinundan ang aking tingin at kitang kita ang dugong dumadaloy pababa sa kanyang mga hita.
Kelangan siyang madala sa hospital!
"Ely! kelangan natin dalhin si Elaiza sa Hospital bilis!" Utos ko kay Ely.
Kahit ako mismo sa sarili ko ay nagpapanic na ngayon... Pero kelangan kong maging matapang at magpakatatag para kay Elaiza at sa anak niya. Ako at ako lang ang masasandalan nila sa panahong ito.
"Pero.... Diana baka mahanap na nila tayo pag ginawa ko yun" Nag-aalangan na saad ni Ely.
"Just do what I said! Mas mahalaga sakin ngayon si Elaiza at ang bata" Sagot ko naman.
Alam ko maski siya ay nag-aalangan sa inuutos ko baka kasi tuluyan na kaming masundan ng mga magulang ni Elaiza pero gaya nga ng sabi ko kanina mas mahalaga sakin ang kaligtasan ni Elaiza ang ng baby.
Pero agad din namang iniba ni Ely ang daan at magtungo kami sa pinaka-malapit na Ospital.
"Love.... Ayokong mamawala ang anak ko" Naiiyak na sabi ni Elaiza habang namimilipit parin sa sakit.
Doble-doble ang sakit na nararamdaman ko tuwing nakikita ko siya nasasaktan o nahihirapan man lang.. Niyakap ko lang siya nang mahigpit kahit nais may mga bagay akong nais itanong sa kanya alam ko namang hindi pa ito ang tamang panahon para tanungin ko siya tungkol rito.
Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na kami sa pinaka malapit na Ospital at agad naman nilang inasikaso si Elaiza.
"Anong plano mo ngayon? Kung magtatanan kayo ni Elaiza dapat sa lalong madaling panahon madali nila kayong mahahanap kung mananatili pa kayo dito sa Manila ng matagal" Sabi ni Ely.
Tama si Ely, marami sources ang Tatay ni Elaiza madali nila kaming matutuntun kung magtatagal pa kami rito sa Maynila.
"Mas prayoridad ko muna sa ngayon ang kalusugan ni Elaiza at ng batang nasa sinapupunan niya.... Alam kong sobrang sugal na tong ginagawa natin Ely. Pero ayaw kong mapahamak pa lalo si Elaiza kung ipilit natin na umalis na agad" Sagot ko saka naman ang paglabas ng doctor sa emergency room.
"Sinong ang pamilya ng pasyente" Tanong nito.
"Ahhh... Kami po Doc" Sagot ko.
"Mabuti naman agad niyo siyang naitakbo dito sa Hospital, dahil na iligtas namin ang bata. Pero sa susunod mag-iingat na kayo kasi mahina ang kapit ng bata maaringbsa susunod na duguin siya ay maaring di na nakaligtas ang bata.... Iiwas niyo na muna siya sa mga bagay na nakakastress sa kanya" Bilin ni Doc, nakahinga naman kami ng maluwag sa binalita ni Doc.
"Ahh... Doc kelan po kaya siya pwedeng idischarge?" Tanong ko rito.
"Sa ngayon hindi pa... Kelangan niyang manatili dito sa Ospital within a day for lther observation.... Then after niyang mailabas dito kelangan naka-fully bedrest muna siya okay? Nasa Nurse na ang reseta ng vitamins niya... Excuse me" Sagot nito.
After naming mag-usap ng Doctor ay pumunta na ako sa room ni Elaiza.
"Elaiza..." Tawag ko sa kanya.
"Lo---love?" Kinakabahan na tawag nito sakin.
Hindi ko alam kung bakit siya kinakabahan ngayon. Marahil tungkol ito sa malagim na nangyari sa kanila ni John.
Ngumiti naman ako sa kanya bago hinawakan ang kanyang mga malalambot na kamay.
"Wag kang mag-alala.... Hindi ako magagalit sayo" Panimula ko alam ko naman na sasabihin din niya sakin iyon.
"Love.... Sorry hindi ko naman ginusto toh, John raped me I'm sorry Love.... sorry talaga" Hagulgol nito agad ko naman siyang niyakap.
"Shhh.... Tahan na.... blessing yan okay? Wag ka ng umiyak sabi nang Doctor wag di ka dapat masyadong iniistress ngayon so ngumiti ka na dyan Love.... Papangit si Baby pag palagi kang nakasimangot sige ka" Saad ko rito.
Ayaw kong ipakita sa kanya na sobra akong nasasaktan lalo sa ginawa sa kanya ni John,
Gago talaga ang lalaking yun! May araw rin siya sakin sisiguraduhin ko pag dumating ang araw na yun wala na siyang mukhang maihaharap sa ibang tao.
"Ahh... Diana? Pwede ba tayong mag-usap" Singit ni Ely sa amin kita ko sa mukha nito may problema kaya agad akong sumunod sa kanya.
"Pahinga kana muna okay?... babalik din agad ako" Saad ko saka siya hinagkan sa noo.
"Pina-blutter ka ng Tatay ni Elaiza at balak nilang magsampa agad nang kaso sayo ng Kidnapping" Sabi nito.
"Grabe talaga yang Daddy niya.... Na kausap mo naba si Jes?" Tanong ko naman.
Iba talaga pag may kapit mabilis lang proseso ng lahat.
"Oo siya na raw bahala duon babalitaan nalang niya tayo" Sabi nito.
"Ely.... Kung ano man ang mangyari sa amin ni Elaiza sa Isla ikaw na ang bahala sa kompanyang pinaghirapan natin ok?" Bilin ko rito.
"Ano kaba naman Diana mukhang nag-papaalam ka niyan ehh.. magiging ayos rin ang lahat" Sabi nito.
Sana nga ...
Kung pwede ko lang ibigay lahat ng yaman ko para tantanan na kami ng pamilya ni Elaiza ginawa ko na. Pero hindi yun ganun eh...
"Tiwala lang Diana.... tiwala lang magiging okay rin ang lahat, Makakalayo kayo rito ni Elaiza okay?" Saad nito saka tinapik ang ang balikat ko.
"Alam mo pumunta ka sa E.R ngayon at ipagamot mo yang mga sugat mo ngayon baka mainfection pa yan ako muna ang magbabantay kay Elaiza" Dagdag nito.
Agad ko din namang sinunod ang payo niya ang pangit din naman kasi tignan na nasa ospital na ako pero di ko man lang naabalang ipalinis itong mga galos ko.
__________________________
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...