Chapter-7

1.1K 30 0
                                    




After 20 years ...



Celine's POV ...



"Oy! Celine gising na baka malate ka sa klase mo uy!" Sabi ni Carly habang niyuyugyug ako.


Ugh!! Inaantok pa ako..


"Ugghh!.... Carly 5 minutes pa... Inaantok pa ako" Inaantok kong sagot saka muling nagtalukbong ng kumot.


Narinig ko namang ang pag bugtong hininga nito.


"Hay nako! Celine bahala ka na nga dyan... Pag ikaw na late sige ka" Problemadong sabi nito, kaya no choice ako bumangon ako.


"Babangon karin pala pinahirapan mo pa ako" Saad nito.


Ngumiti lang ako saka siya niyakap. 


"Ugh! Ano ba Celine! Amoy laway ka pa!" Saad nito saka sinubukang kumalas sa pagkakayakap ko.


Natatawa naman akong humiwalay sa kanya. Saka ginawa ang morning rituals ko.


"Nga pala tumawag sakin si Kyle kanina may raket daw siya mamaya mag-serve nang pagkain sa isang party pwede niyavraw tayong isabit sa raket niya kung wala naman daw tayong gagawin" Sabi nito habang nagkakape.



"Call ako dyan... Wala kabang pasok ngayon?" Tanong ko saka kumuha ng pandesal saka ito kinagatan. 


"Meron pero maya-maya pa naman ikaw ba?" Balik na tanong nito sakin. 


"Meron kaso di muna ako papasok ngayon dadalawin ko si Mama" Sagot ko. 


Birthday kasi ni Mama ngayon. 


"Ahh ganun ba, Paki-bati nalang ako kay Tita Elaiza, Sige maligo muna ako ha?" Paalam nito saka inubos ang kape nito at pumanik na sa taas. 



Ako nga pala Celine Elaiza Domingo isang maganda at butihing working student, ulila na ako sa magulang gaya ni Carly, pero si Carly ay anak ng mayaman. Pero ako hindi, pero base narin sa kwento ni Mommy Carly, Mama ni Carly dati raw ay mayaman ang pamilyang kinabibilangan ni Mama pero nagkaroon ng isang trahedyang naging rason para malugi at malubog sa utang ang pamilya nila Mama. 


"Hi Ma" Bati ko rito saka nilapag ang bulaklak na binili ko sa labas para sa kaya, saka magsindi nang kandila. 


Binasa ko naman ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. 


Elaiza Manuel Domingo ....


"Ma Happy birthday po miss na miss na kita, kahit hindi man lang kita nakasama" Naiiyak kong sabi. 


Based kasi sa kwento ni Mommy Carly nahirapan raw si Mama sa panganganak sakin pero nairaos naman niya ito pero ilang araw rin daw ay biglang dinugo si Mama na naglead sa pagkamatay nito. 


"Sana po nakakasama kita ngayon Mama, kasi gustong-gusto kitang mayakap, maka-kwentuhan at gusto ko ring maranasan ang mahalin ng totoong Ina" Dagdag ko pa, Hiling ko kahit nasaan man siya ngayon ay naririnig niya ang mga pakiusap ko. 


Hindi naman pinagkait sakin ni Mommy Carly na maramdaman ang pagmamahal ng isang Ina pero iba parin pag totoo mong Ina ang nag-aalaga sayo. 


"Ahh.... Miss mukhang kelangan mo nito"


Agad akong napatingin sa nag-salita, isang pares ng tsokolateng mata ang bumungad sakin. 


"Tanggapin mo na don't worry malinis yan" Naka-ngiting dagdag pa nito, ang pogi siya pero mas lalo siyang pomogi nung ngumiti na siya. 

Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon