Diana's POV...
"Cyd may maganda kaming balita ni Ate Diana mo para sayo" Naeexcite na saad ni Celine.
"Talaga po? Ano naman po yun?" Inosenteng tanong ni Cyd.
"Pagbalik ulit namin dito maiuuwi kana namin sa bahay natin" Masayang balita ni Celine.
"Talaga po!? Magiging mga Mama ko na po kayo?" Tugon naman ni Cyd.
"Oo Cyd... Promise namin sayo aalagaan ka naming mabuti ng Mama Diana mo" Sagot ni Celine. Napangiti naman ako habang pinapanuod sila. Alam kong magiging mabuting magulang kami kay Cyd lalo na si Celine dahil sobrang siyang mag-alaga proven and tested ko na.
"Mamimiss ko po dito sa ampunan... pero mas may magandang kinabukasang naghihintay sakin sa piling niyo" Saad ni Cyd saka niyakap kaming dalawa ni Celine.
Ang sweet at napakabait na bata ni Cyd kaso nga lang maaga siya naulila sa Ina at inabanduna sila ng kanyang Ama.
"Ayy... siya nga pala po may ibibigay po ako sa inyo dahil sinabi po sakin ni Ate Jane na ikakasal na daw po kayo, sana po magustuhan niyo" Saad nito saka may kinuha sa notebook niya na binili ni Celine para sa kanya. Nabanggit kasi sakin ni Celine na mahilig itong gumawa ng mga tula at story kaya binilhan niya ng notebook para may magamit ito habang nandito ito sa charity.
"Indrawing ko po kayo kasama ako" Saad niya, gaya ng sinabi niya kami ang nasa drawing. May babae sa taas kasama ng mga ulap marahil ang Mama niya at may nasa gilid ang Tatay nito kasama ang mga kapitid niya.
"Salamat dito ang ganda naman nito" Tugon ko, napangiti naman siya.
"Salamat po! At nagustuhan niyo yung gawa ko. Meron pa po sana akong ibibigay kaso hindi ko pa tapos" Sagot niya.
"Ano naman yun? Pwede ba naming makita?" Tanong naman ni Celine.
"Sa susunod nalang po pagtapos ko na story po siya alam kung magugustuhan niyo po yun" Sagot nito.
"Okay, sabihan mo nalang kami pag tapos mo na okay? Ano bang pamagat niyang story na yan?" Saad ko saka ginulo ang buhok nito.
"Lifetime po"
...
"Wala naba tayong nakalimutan?" Tanong sakin ni Celine habang tinitignan isa-isa ang mga gamit namin. Ngayon kasi kami aalis papunta sa resort nila Ely sa Batangas kung saan gaganapin ang pag-iisang dibdib namin ni Celine.
"Wala na Babe, kanina mo pa tinatanong sakin yan" Tugon ko naman. I think this was the 3rd time na tinanong niya sakin kung may nakalimutan ba kaming dapat ayusin at dalhin.
Tumabi naman ito sakin saka ako niyakap.
"Eh... Gusto ko lang makasigurado na wala tayong maiiwan especially yung mga gamot mo" Saad nito.
"Hmmm... Ang swerte ko talaga sayo. Hindi pa tayo kasal pero grabe na ang wifey duty mo" Sagot ko saka ito pinugpug ng halik sa mukha.
"Oo naman swerte ka talaga sakin idagdag mo pa na Dyosa ako" Mayabang na sabi nito.
.
"Ready naba kayo?" Singit ni Carly habang nakasilip sa pinto. Hindi na nga ito kumatok basta sumilip nalang siya.
"Ano ba yan! Carly, nakakagulat ka naman... Oo, ready na kami aalis naba tayo?" Tugon naman ni Celine.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...