Celine's POV...
"Wow!... Spell gorgeous..... Grabe! ikaw na ikaw yun! Celine! Promise sobrang ganda mo!" Masayang saad ni Carly habang tinitignan ang kabuuan ko nang matapos niya akong ayusan.
"Talaga? Hindi ba sobra ang make-up ko?" Tanong ko naman habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. Isang white long dress ang binigay sakin ni John Vic para suotin sa party ng kanyang ama.
"Nope... Saktong sakto lang ang make-up mo mas nag-gloglow ang natural beauty mo dyan lalo" Sagot nito.
Beep!
Beep!
Nagkatinginan naman kami ni Carly. "Sis mukhang andyan na ang sundo mo" Saad nito.
Agad ko namang kinuha ang purse ko at lumabas nang bahay para salubungin ang sundo ko.
"Wow!.... Celine sobrang ganda mo ngayon... I mean mas lalo kapang gumanda ngayon" Namamangha na sabi ni John Vic.
"Salamat... ikaw rin ang mas lalo kang gumwapo dyan sa suot mo" Sagot ko naman, nakablack suit kasi ito. Napangiti naman ito at halata rin ang pagpula ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa sinabi ko.
Yieh!! Kinikilig siya!
"Pwe! Napaka paasa mo talaga kahit kelan! " Sigaw ng inner self ko.
"Salamat... pero hindi pa ako ganun ka-gwapo... Kasi hindi mo pa ako gusto.. Ahahahaha" Natatawang biro niya.
Pero alam naming lahat na may ibig sabihin ang sinabi niyang iyon...
"See!?" Sigaw muli ng inner self ko.
"John Vic, ingatan mo tong best friend ko ha? kung hindi... nako! kakalbuhin ko yang mga buhok mo sa katawan at kahit saang lupalop kapa ng mundo magtago hahanapin kita" Banta ni Carly dito..
Natawa naman si John Vic sa sinabing iyon Carly.
Carly!!... Si Diana!... si Diana! dapat ang kalbuhin mo hindi si John Vic! Dahil yung si Diana sinaktan niya ako pati ang puso ko... si John Vic nasaktan ko... Nasaktan ko ang puso niya.
"Oo naman.... iingatan ko tong si Celine habang buhay... Mauna na kami Carly" Paalam ni John Vic saka inilahad ang kamay nito para alalayan ako sa paglalakad, binuksan rin niya ang pinto ng kanyang kotse makapasok na ako.
"Salamat" Tugon ko. Mabilis naman itong pumunta sa kabilang side ng kotse saka rin sumasakay.
"Celine seat belt please" Saad nito. Agad din ko namang sinunuod ang sinabi niya saka niya pinaandar ang kotse saka kami umalis.
"Wag kang kabahan mababait ang mga bisita ni Dad" Assure nito sakin habang nakatuon ang kanyang tingin sa kalsada.
Ngayon nalang kasi ako ulit makakadalo sa mga ganitong kalaking party bilang bisita madalas kasi ay nakakapunta lang ako sa party dahil isa ako sa taga-serve ng pagkain.
"Okay!... we're here na" Anunsyo nito saka itinabi ang kotse niya sa may gilid.
Agad naman itong lumabas nang kotse para pagbuksan ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...