Celine's POV...
"Ahmm.. Hindi mo ba nagustuhan mga pagkain nila dito? Pwede namang lumipat nalang tayo ng ibang resto kung gusto mo" Tanong ni John Vic saakin. Napansin ata nito na di ko masyadong ginagalaw ang kinakain ko ngayon.
Mabilis naman akong ngumiti sa kanya.
"Hindi... Masarap ang pagkain nila dito hindi ko lang makuha ang gana ko sa pagkain ngayon" Pagdadahilan ko naman.
Masarap naman talaga ang mga pagkaing inorder namin ngayon. Lalo na yung pepper roast baby back ribs, nawalan lang ako ng ganang kumain dahil ilang lamesa lang ang layo namin kay Diana at Chiara. Tss..
"Ahh.. Ganun ba sige ipapatake-out nalang natin ang pagkain mo para if magutom ka mamaya ay may makakain ka" Saad nito.
Hindi naman na ako komontra sa sinabi niya.
"Ahmm.. Celine pwede ba kita ayain sa darating na linggo? May birthday kasi ni Dad sa bahay gaganapin, gusto ko sana maging date kita" Aya nito.
"Hmmm... Sige na walang problema sakin" Walang alinlangang sagot ko.
Baka kasi puntahan nanaman ako ni Diana sa bahay atleast may maidadahilan ako para umalis nang bahay diba?
Sobra kasi akong naiinis kay Diana ngayon kaya iniiwasan ko siya pero hindi ko naman alamg ang dahilan kung bakit ako naiinis sa kanya. Kinukulit naman ako ni Carly na kaya raw ako na iinis ng ganito kay Diana ay dahil daw nagseselos ako sa kanila ni Chiara.
"Ahh.. Satingin ko wala ka sa wisyong makipag-usap sakin ngayon... Wrong timing ako siguro sa susunod nalang ulit" Malungkot na saad ni John Vic.
Bigla naman akong na guilty sa sinabi niya.
Siya dapat ang ineentertain ko ngayon hindi itong utak kong walang ibang iniisip kundi si Diana.
"I'm so sorry John Vic wala lang talaga ako sa wisyo ngayon pagod lang talaga siguro ako" Sagot ko naman.
Pinakuha naman na niya ang di ko naubos na pagkain para itake out at nagpabill-out narin siya.
"7pm ang simula ng party wag mo ng isipin ang isusuot mo I will provide it I'll make sure your are to most beautiful woman on that night" Saad nito. Kita ko naman sa mata niya ang kislap mukhang magdedaydream siya sakin.
"Nako nakakahiya naman John Vic hahanap naman ako ng marerentahan or hihiram kay Carly ng dress" Tanggi ko naman.
"No.. Its okay your my guest so let me provide all you need sa party" Sagot naman nito.
"Ispoiled mo naman ako masyado niyan" Saad ko.
"Ahahahaha... Spoiled naba kita ngayon? Paano pa pag girlfriend na kita?" Natatawang tanong nito.
"Kaya nga paano pa kung.... Girlfriend mo na ako" Saad ko saktong sakto naglalakad na padaan sa pwesto namin sila Diana. Mukhang pauwi narin sila.
I know narinig niya yun at sinadya ko talagng iparinig sa kanya. Kainis siya ayaw niyang lumalapit ako kay John Vic pero pag may lumalapit sa kanya pwede? Unfiar yun! Bahala siya dyan mainis mas naiinis ako.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...