Diana's POV...
"Marian okay naba ang lahat dyan?" Tanong ko rito. Susupresahin ko kasi si Celine pero para di siya makahalata sila ni Carly ang kinausap ko para mag-ayos nito.
"Oo naman... Kayo nalang hinihintay namin dito" Tugon nito sa kabilang linya.
"Sige... Malapit naman na ang out ni Celine... Salamat Marian" Tugon ko. Narinig ko namang nagrereklamo si Carly.
"Aba! Bat siya lang?! Ako din dapat... Kakunchaba niyo ako dito!" Saad ni Carly mukhang naagaw niya yung phone ni Marian naririnig ko ring pilit kinukuha pabalik ni Marian ang phone nito kay Carly.
Natawa naman ako sa kakulitan nila. Kung hindi lang talaga mahal ni Marian si Jesma bagay rin sila nitong si Carly ehh.
"Okay to be fair for both of you... Thank you guys sa pagtulong sakin... Ililibre ko kayo pag pumayag siya" Saad ko.
"Sus! Oo agad ang sagot ni Celine dyan! Kahit hindi mo na siya ligawan maniwala kana sakin" Tugon naman ni Carly. Natawa naman ako sa sinabi niya.
Kung magiging girlfriends na kami agad di better diba? Pwedeng-pwede ko na siyang pagbawalan kausapin si John Vic dahil may karapatan na ako. HAHAHAHA!
"Ibaba ko na toh nandito na si Celine... Bye!" Saad ko saka binaba ang tawag at niligay ang phone ko bulsa ng pants ko.
"Hi!" Saad nito saka mabilis akong niyakap agad din naman akong tumugon dito.
"Miss na miss mo ata ako" Biro ko rito.
"Hmmm... Yes na yes ang sagot ko dyan... Madalang kitang nakakasama lately kung hindi mo lang ako sinusundo at kung di tayo pumapasok.. Baka di na tayo nagkikita" Sagot nito.
Naging panghapon kasi muna ang shift niya ngayon kaya. Buti pinagbibigyan siya ng mga prof namin para makahabol sa mga naging absent nito. Besides tinutulungan ko rin siya sa mga lessons namin kaya talagang nakakahabol siya.
"Halika na... I know gutom ka kaya pinanghanda kita ng dinner" Saad ko saka ko ito pinagbuksan ng pinto.
"Talaga!? I'm so excited!" Masayang tugon nito.
Ako rin excited ng marinig ang matamis niyang Oo...
...
"Ely... Pwede ba kitang makausap?" Kinakabahan kong saad.
"Oo naman.. Tungkol saan ba?" Tanong nito habang nakatuon parin ang atensyon niya sa binabasa niya sa folder.
"Tungkol kay Celine" Saad ko.
Napatigil naman ito saka tumingin sa akinThis is it! Pansit!
"What about her this time?" Tanong ulit nito saka umayos ng upo.
"I'm planning to court her Ely... I want her to be mine" Determinado kong sagot.
Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin lang sa akin.
"Wala ka bang sasabihin dyan?" Takang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...