Diana's POV...
Fck!
"Huminahon ka nga muna Diana... Nahihilo na ako sayo" Awat sakin ni Ely, pero patuloy parin akong naglalakad paikot-ikot dito sa sala.
"Paano ako kakalma Ely? Ngayong may umaaligid pala kay Celine at kamukhang kamukha pa ng hayop na si John?" Sabi ko naman.
"Ikaw na nga nagsabi Diana kamukha lang... Hindi natin alam kasing sama ba niya si John" Sagot ni Ely.
"Hindi ko alam Ely pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa lalaking yun" Saad ko naman.
"Pano mo naman nasabi iyan Diana?" Tanong ni Jes
"Don't judge the book by its color Diana" Dagdag din ni Marian.
"Hindi ko alam pero sobrang bigat ng aura niya sakin.... Hindi ako mapakali" Sagot ko.
"Maaring dahil kamukha siya ni John, kaya ganyan ang epekto niya sayo at naalala mo rin sa batang yun ang mga masasamang ginawa sainyo ni Elaiza noon" Saad ni Jes.
Maaring tama si Jes... Kaya napaka-bigat ng pakiramdam ko sa batang yun ay dahil naalala ko sa kanya kung gaano kami pinahirapan ni John noon.
"Okay.... Ganito nalang para matahimik ka na, Ipapabackground check ko ang batang yun para malaman natin saang pamilya siya galing at kung makakapagkatiwalaan ba siya or hindi" Sabi ni Ely.
"Tapos always keep your eye on Celine" Dagdag nito.
"Hindi natin alam kung malinis ba talaga ang intensyon niya kay Celine.... So hanggat maari always mo siyang bantayan para mapanatag kana rin" Saad ni Jes.
"For now magpahinga kana muna don't stress yourself Diana, Baka magkasakit ka pa niyan, Alam mo namang naninibago pa ang katawan mo sa bagong environment ngayon" Sabi ni Ely.
Napabugtong hininga nalang ako sa sinabi niya.
Tama si Ely sobrang naninibago pa ang katawan ko ngayon. Pero binabalewala ko lang yun madalas.
"Diana? Umamin ka nga sakin nagugustuhan mo naba si Celine?" Saad ni Ely nang makaalis si Jes ng library sa bahay nila.
Nagulat naman ako sa tanong niya.
"Bakit mo natanong naman yan Ely" Sagot ko naman.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tanong niyang iyon.
"Wala... Natanong ko lang naman, besides hindi ka magkakaganyan ng basta-basta kung mababawa ang dahilan, bukod sa anak siya ni Elaiza" Saad naman nito.
"Ikaw na nga rin ang nagsabi anak siya ni Elaiza kaya hindi ako mahuhulog sa kanya" Sagot ko.
"Okay sabi mo ehh... Wag kang lalapit sakin at sasabihin mong mahal mo na siya ha? Ahahaha" Natatawa nitong saad.
"Ewan ko sayo puntahan mo nalang yung Asawa mo ay" Sabi ko naman.
"Look Diana baka kaya binigyan ng pangalawamh buhay para makilala mo siya, alamin mo rin" Saad naman nito.
"Pakiramdam mo toh" Dagdag nito saka tinuro ang puso ko.
"Hindi ko alam Ely... Hindi ba't masyado pang maaga para dyan? Kakilala ko lang sa kamya" Sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...