Celine's POV...
"San mo gustong kumain?" Tanong ko rito.
Kakatapos lang ng klase namin ngayon at sakto wala din naman akong pasok sa trabaho so talagang susulitin ko na tong bonding namin together.
"Kahit saan basta kasama kita okay sa akin" Nakangiting sagot nito.
Those smile gives me shiver...
"Ayy... Alam ko na, may dala kabang kotse ngayon?" Tanong ko rito.
"Oo, Bakit?" Balik na tanong nito sa akin.
Noon ko pa kasi gustong-gusto pumunta sa Cloud nine sa may Antipolo kaso wala nga akong time na gumala tsaka walang budget at masasamyan hassle pag commute.
"Sa may Antipolo sana tayo duon narin tayo kumain ng Bulalo sikat daw yun duon eh" Saad ko.
"Malayo na yun dito?" Tanong niya.
"Hmm.. Hindi naman ata gaano tara na baka maabutan pa tayo ng traffic maganda daw duon eh lalo na pag gabi" Sagot ko.
Saka hinawakan ang kamay niya, naramdaman ko naman ang maliliit na kuryenteng dumadaloy sa akin at nakakakiliti siya.
. . .
"So kumusta kana? Hindi kaba nahirapan sa pagpapalit ng schedule mo?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Okay lang naman ang laking adjustment ang ginawa ko noong nagpalit ako ng schedule sa trabaho mas nakakapagod pala" Sagot ko.
Noong mga unang linggo ko halos 3 to 4 hours lang tulog ko. Para akong zombie na pumapasok sa school.
"Kung ako lang masusunod hindi na kita pagtratrabauhin eh.... ako mismo nalang susuporta sayo, but I know di ka papayag. Nakuha mo yung features ni Elaiza na palaban but still with a soft heart" Saad nito.
She's comparing me to my mother. But in a nice way naman.
"Ikaw ba kumusta kana?" Tanong ko nalang.
"Eto okay lang naman ako namimiss ka" Sagot niya.
Napatingin naman ako sa kanya sakto napasulyap din siya sa akin.
Gosh! Yung puso ko sobrang bilis ng tibok para akong nasa isang karera.
"Ahh.. I mean namimiss ko yung kulitan natin ganun yung bond natin ahahahaha" Paliwanag niya.
"Kaya nga sobrang saya ko ngayon kasi magbobonding tayo" Dagdag pa nito.
"Ako din sobrang saya ko ngayon dahil makakasama kita" Nakangiting saad ko.
I feel really safe and happy pag nasa tabi ko siya.
Hindi naman nagtagal ay nasa may Antipolo na kami at saktong-sakto rin dahil papalubog na ang araw ng makarating kami.
Kitang-kita mo ang napaka-lawak na siyudad ng Manila sa ibaba.
"Wow ang ganda naman dito" Na mamanghang sabi ni Diana habang nililibot ang kanyang paningin.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...