Chapter-14

604 17 10
                                    



Celine's POV...



"Ano!! Nag-kiss kayo?!!" Gulat na tanong sakin ni Carly.


Sinamaan ko naman siya ng tingin.


Kelangan ba talagang sumigaw?


"Oo nga... paulit-ulit? Tsaka ano kaba naman... kelangan bang sumigaw? Rinig na rinig ka ng mga kapitbahay natin. Nako naman Carly!" Sagot ko naman.


Napa-peace sign naman siya ako naman'y napa-iling nalang.


"Pero seryoso nga nagkiss talaga kayo?" Tanong ulit nito.




Ugh!!



"Oo nga... nagkiss kami paulit-ulit naman tayo dito oh!" Naiinis na saad ko.


Tama ba na sinabi ko sa kanya? kanina ko pa sinasabi na nagkiss kami.. ayaw niyang maniwala. haist!


"Ano kaba... Syempre shock lang kasi ako Sis... So it means siya ang first kiss mo! YIEH! Anong feeling!?" Kinikilig na tanong nito sakin.


"Ano ba ang dapat kong maramdaman... Kapag hinahalikan?" Balik kong tanong sa kanya. Napamental face palm naman ito sa sinabi ko.


"Ano kaba naman Celine... Syempre kilig ganon... at sarap Ahahaha" Sagot niya.


Hindi ko alam kung ano yung naramdam ko kanina basta pakiramdam ko ayy... Nahanap ko na ang nawawalang parte ng buhay ko.


"Nag-usap naman ba kayo after the kiss?" Tanong nito.


Umiling lang ako bilang sagot.



"Aba! loko yung si Diana ahh! Kelangan niyang panagutan yang 1st kiss mo!" Saad nito.


Nailing nalang ako sa sinabi ni Carly. Para siyang nanay ko sa inaakto niya ngayon.


Ang problema ko lang ngayon  ay.. Di ko na alam kung paano ko pa siya haharapin matapos ang halik na yun. Bukas at sa susunod na mga araw ay paniguradong magkikita at magkakasama kami at kahit anong gawin ko pang pag-iwas sa kanya pero kailangan ko muna siyang iwasan sa ngayon.


Mahirap kasi magpretend na walang nangyari at ipretend na hindi ako apektado sa nangyari. Dahil alam ko sa sarili ko na nagustuhan ko ang halik na pinagsaluhan naming dalawa.



. . .



"Ahh... Salamat sa paghatid sakin John Vic naabala pa kita" Nahihiyang sabi ko habang inaayos ko ang mga gamit ko.


Paano papasok na sana ako ng school ng makita ko si John Vic sa labas ng bahay ihahatid raw niya ako sa school nakakahiya naman kung tatanggi pa ako diba.


"No beggie... basta ikaw, nga pala Celine pwede ba kitang maimbitahan magdinner mamaya?" Saad nito.


"Ahh... Pasensya kana John Vic may pasok kasi ako mamaya, kaya after sana ng klase ko today ay magpapahinga muna ako before pumasok sa work" Tugon ko naman.


Kita ko naman ang lungkot sa mukha nito pero agad din siyang nakabawi.


"Sige, nextime nalang siguro basta may utang ka saking isang dinner date hah" Saad nito.


Natawa naman ako sa sinabi niya.



"Oo naman... maybe nextime mauna na ako salamat ulit sa paghatid sakin ingat ka bye!" Sabi ko naman saka bumaba ng sasakyan niya.


Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon