Chapter-15

546 20 8
                                    




Celine's POV...


Mag-dadalawang linggo na simula noong iniwasan ko si Diana at habang patagal ng patagal ang  pag-iwas kong  ito ay pabigat ng pabigat ang  dinadala ko ditong kirot sa aking puso.

Bakit  ba kasi ganito ang nararamdaman ko?

"Hoy! Celine, Okay ka lang ba? Nalulunod naman ako sa sobrang lalim niyang iniisip mo" Saad ni Carly at bakas sa mga mata nito ang pag-aalala sa akin. 

Kumain kasi kami sa labas ngayon total birthday niya noong nakaraan at parehas kaming may pasok kaya ngayon palang namin iyon ipagdiriwang sakto sa day-off naming dalawa.

"Ahh.. Oo.. Okay lang ako Carly may inaalala lang akong sagot sa quiz noong nakaraan" Palusot ko saka muling binalik ang atensyon sa aking kinakain. Pero mukhang hindi ito kumbinsido sa aking sinabi dahil napasin ko ang simpleng pag-iling nito


"Si Diana ba?" Tanong nito napa-angat naman ako ng tingin sa kanya. "Siya ang iniisip mo tama diba?" Dagdag pa nito. 

Nagulat naman ako sa sinabi nito.

Ganun naba ako ka-halata?

"Ehh.. Bakit naman  kasi iniiwasan mo? Bakit kasi hindi mo nalang aminin sa sarili mo na may gusto kana sa kanya?"  Saad ulit nito.


Napatingin nalang ako sa ibang direksyon, ayaw kong salubungin ang mga tingin niya.


Matagal na ring gumugulo sa isipan ko ang bagay na ito na kaya ba habang tumatagal ay nahihirapan akong umiwas kay Diana dahil ang totoo ay nagugustuhan ko na siya. 


"Alam mo naman Carly na sa simula palang ay maling-mali na mahulog ako sa kanya" Nahinahon kong tugon.

"Ha? Bakit naman mali na magkagusto ka sa kanya? Dahil ba sa age gap niyo? Or dahil ba sa parehas kayong babae? O dahil Ex siya ng Mama mo? Saan duon Celine?" Tanong ni Carly.

"Lahat yan Carly... As in lahat yan, sobrang komplikado ng lahat para sa aming dalawa" Saad ko bago ako uminum ng juice.

"Pinayuhan na kita noon diba? Papayuhan nanaman ba kita ulit ngayon? Kaligayahan mo ang isipin mo hindi ang sasabihin ng ibang tao at hindi naman mukhang matanda si Diana ahh? Parang kasing edad nga lang natin siya.. yun nga lang medyo makaluma ang pamumuhay ikumpara mo sa atin pero kaya naman natin siya turuat at alalayan" Tugon niya. Nailing naman ako sa sinabi niya.


Bakit ba hindi niya makuha na hindi pwede?


"Hindi parin pwede Carly.. Hindi talaga tama tong nararamdaman ko at kelangan ko itong pigilan habang kaya ko pang pigilan dahil alam ko sa huli ako rin ang kawawa" Sagot ko naman.  Siya naman ang napa-iling sa sinagot ko at mukhang nadismaya siya sa mga narinig sa akin.


"Hay nako.. Ewan ko sayo Celine, baka sa susunod sugatan kang lalapit sa akin ha?
Dahil hindi mo itinuloy yang nararamdaman mo kay Diana" Saad niya.


Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya.

"Alam mo.. Kahit iniiwasan mo si Diana ko nakikita siyang palaging nakasunod sayo kahit saan ka magpunta. Alam mo ba yun?" Dagdag pa nito

Future You (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon