Celine's POV ...
"Sis!! Andito na ang sundo mo!" Sigaw ni Carly mula sa sala.
Mabilis naman akong pumanik pababa dala-dala ang mga gamit ko para sa para sa pagpasok ko sa school.
"Ayaw mo bang sumabay samin papasok?" Tanong ko rito.
"Hindi na Sis may kelangan pa akong daanan ehhh" Sagot naman nito.
"Pwede ka naman naming idaan sa dadaanan mo" Saad ko.
"Ayy... Ano kaba naman okay lang, nextime sasabay ako sa inyo papasok" Sagot naman nito.
"Sige pala pasok na ako.. Ingat ka" Saad ko.
"Sige ingat din kayo, Sis ikaw ha? humahaba na hair mo" Puna nito.
"Lah sigurado ka? Mahaba naba masyado? papagupit naba ako ulit?" Takang tanong ko saka hinawakan ang buhok ko kung mahaba naba.
Natawa naman ito.
"Sira! Hindi yan ang ibig kung sabihin, what I mean is iba nanaman ang dumadalaw sayo dito sa bahay ngayon" Natatawang saad nito.
Akala ko naman mahaba na ang buhok ko.
"Carly naman... ex-girlfriend siya ni Mama and ang layo ng age gap namin noh" Sagot ko rito. Alam ko kung ano nanaman binabalak niya ehh.
"Oh? Ano man kung ex siya ni Tita Elaiza? And malayo age gap niyo? Hindi na yan ang iniisip sa panahon ngayon as long as nagmamahal kayo di go"
Saad nito."Haist. Ewan ko sayo... mauna na ako" Sagot ko nalang.
"Basta ngayon palang Sis, Pupusta na ako na mapapamahal ka sa kanya at for sure lalapit ka rin sakin para ipakonsulta yang bagay na yan" Pahabol ni Carly bago ako umalis ng bahay.
Naloka naman ako sa sinabi niya.
Naikwento na kasi niya sakin ni Diana ang mga nangyari sa kanila ni Mama noon, then nasabi ko rin kay Carly.
. . .
"Alam mo para ka talagang si Elaiza" Namamanghang saad nito habang nakatitig sakin. Kung sa iba ay nakakailang ang ginagawa nilang pagtitig sa akin pero bakit ganun kinikilig pa ako sa mga titig niya?
"So bakit nga hindi ka tumanda? Immortal kaba? bampira?" Tanong ko.
Natawa naman ito sa tinanong ko sa kanya...
"Ok listen carefully...
So ayun na nga ikwinento na niya lahat nangyari sa past nila ni Mama kasama narin ang ginawa ng aking Lolo at ng aking Ama. Nalulungkot ako dahil hindi ako ginawa ng may pagmamahal kundi sapilitan.
"Hey? Nagugutom kaba? Tara breakfast muna tayo masyado yata ako napaaga ng punta dito" Kamot kilay na saad ni Diana, which I find it cute!
Hindi ko alam pero simula ng makita ko siya sa picture at sa personal ay may something akong nararamdaman
"Ahhh.. Sige yung malapit nalang sana siguro sa school para di na hassle mamaya" Sagot ko.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...