Diana's POV ...
"Love kumusta ang pakiramdam mo? Nagugutom kaba? Nauuhaw? Anong gusto mo?" Tanong ko rito ng magising ito sa kanyang pagkakatulog.
May mga ilang oras pa kami rito bago siya madischarge.
"Ahh... Tubig at prutas lang siguro" Sagot nito.
"Sige.. Lalabas lang muna ako saglit para mabilhan kita ng gusto mo" Sabi ko, pero bago pa ako makaalis sa tabi niya ay hinawakan na ako nito sa braso.
"Diana? Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan" Sabi nito habang direktang nakatitig saking mga mata.
Para naman akong natutunaw sa mga titig niyang iyon.
"Mahal na Mahal rin kita Elaiza, wag kang mag-alala magiging okay rin ang lahat.. Makakalayo tayo dito ng ligtas at magkasama" Nakangiti kong sagot saka ko siya ginawaran ng isang halik na puno ng pagmamahal. Ngumiti lang ito bilang tugon sa aking sinabi.
Saka ako lumabas ng kanyang silid.. Sana madischarge na siya dahil bawat oras na nanatili kami rito ay mas kinakabahan ako na baka matuntun na kami ng magulang niya.
"Miss pabili nga po nito isang kilo then ito pa" Sabi ko saka tinuro ang saging at grapes.
Agad naman niyang kinilo ang mga tinuro kong prutas.
Nakangiti namna ako habang iniisip na kahit grabe ang trahedyang dumating sa buhay naming dalawa ni Elaiza ay may blessings parin na dumating sa buhay namin yun ay ang baby sa sinapupunan niya.
Pero agad nawala ang ngiti ko ng makita ko si John at hindi siya nag-iisa may mga kasama siyang naglalakad patungo sa direksyon ko, napayukom agad naman ang kamao ko, gusto ko siyang sugurin at basagin pa lalo ang pagmumukha niya pero naiisip ko si Elaiza kelan na naming umalis rito sa lalong madaling panahon bago pa umabot sa sukdulan ang lahat.
"Ma'am ito na po yung prutas" Singi ni Ate saka inabot ang dalawang supot ng prutas at isang maliit na bote ng mineral water.
"Ate keep the change" Sabi ko saka binigay yung 1,000 pesos at kinuha ang dalawang supot ng prutas. At mabilis na tumakbo.
Agad din naman nila akong hinabol... Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao ngayon pero wala akong pakialam.
Hindi ako pwedeng dumiretso ng Ospital na hinahabol nila ako mas mahihirapan ako pag nagkataon. Kelangan ko muna silang iligaw, kainis! Sumakto pa na wala ngayon si Ely oara tulungan kami. Sht!
"Carlos! Nasan kana!" Rinig kong sigaw ni John.
Nasa isang stall kasi ako may nag magandang loob kasi na tulungan ako at pinatago muna ako saglit sa loob ng tindahan niya.
"Boss! Hindi na namin siya makita" Rinig kong sabi pa ng isa sa mga kasama niya.
"Hanapin niyo! Hindi pa yun nalalayo dito! Hindi pa kami tapos magtuos!" Saad ni John.
Bakit akala niya tapos na ako sa kanya!? Hindi pa! Kung hindi ko lang iniisip ang kapakanan namin ni Elaiza ngayon kanina pa siguro kami nagsasapakan.
Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng mga yabag papalayo.
"Ma'am... Ma'am wala na po sila" Mahinang sabi ng taong tumulong sakin.
BINABASA MO ANG
Future You (ToLine)
FanfictionSimple lang naman ang gusto ni Diana sa buhay ang makasama sa pagtanda ang kanyang minamahal na si Elaiza pero hindi nito alam sa minsang pagpikit ng kanyang mga mata magbabago ang takbo ng buhay niya. -This story was not fully edited, please beware...