Part 7

859 17 0
                                    


"Therese, did you tell Anton already about the offer that you got from Paris?" tanong ng kaibigan niyang si Karen isang araw habang kumakain sila sa isang restaurant.

"no, I didn't get a chance to tell him," pabuntong hiningang sagot niya dito.

"But why?" tanong nito.

"because I couldn't, I mean, how do you expect me to tell him that, I got the offer and hey I need to leave you alone?" 

"He's too eager to be with me forever, and it hurts me to think that I will need to leave him." pagpapatuloy niya pa.

"I got your point,but it's your dream, siguro naman maiintindihan niya yun."

"Think about it. Anton is there. You have him already, but your dream, come'on Therese it's a once in a lifetime opportunity, don't you think you should grab it ?" sabe sa kanya ni Karen.

Malalim na nag-iisip si Therese habang nagdadrive pauwe sa condo nila ni Anton. Naisip-isip niyang may punto din naman si Karen sa sinabe nito. Ngunit wala siyang lakas ng loob na sabihin sa lalake ang kanyang plano. Hanggang sa isang desisyon ang kanyang binuo, hindi niya sasabihin kay Anton ang plano niyang pag-alis. Kinabukasan, tulad ng lagi niyang ginagawa, nag handa siya ng breakfast at pinupog ng halik si Anton para magising ito. At katulad parin ng dati, yayakapin siya nito ng mahigpit at huhulihin ng labi nito ang mga labi niya. Ngunit para sa  kanya, espesyal ang araw na yun, dahil susulitin niya ang mga sandaling kasama ito.

"Babe, can we go to the beach and stay there for three days? aniya  dito habang kumakain sila ng breakfast.

"of course, kelan mo ba gusto?" sagot naman nito sa kanya.

" We'll tonight. If that's okay with you. "

"wow hindi ka rin excited babe ha? But of course. do'n na tayo sa resort namin sa batangas."anito na sinabayan pa ng ngiti.

At kinagabihan nga ay nakarating na sila sa resort nila Anton. Doon ay sinulit ni Therese ang pag kakataon na makasama ang lalake. Napakasaya ng bakasyon nilang iyon puno ng matatamis na halik, at matatamis na salita ng pagmamahalan. Subalit yun na pala ang huling pagkakataon na makakasama ni Anton ang babaeng pinakamamahal niya. Kinabukasan,tinanghali na ng gising si Anton. Eksaktong ikatlong araw iyon ng pamamalagi nila sa Batangas. Nagtaka ang lalake dahil hindi siya ginising ni Therese. Sinubukan niya itong hanapin ngunit hindi niya ito mahagilap kung saan. 

"yaya Lucia,nakita niyo ba si Therese?" tanong niya sa katiwala habang abala ito sa pagluluto sa kusina.

"Si ma'am Therese po, aba'y nagpaalam po kanina ang sabi'y luluwas na daw ng maynila at doon nalang daw kayo magkita." sagot nito sa kanya.

"what? How could she left without even telling me?" takang -takang tanong niya dito.

"Eh,sabe niya daw po sir may importante daw siyang pupuntahan eh." muling sagot ng katulong.

hindi na nagsalita pa si Anton,dali-dali siyang nag impake at bumalik ng maynila. He knew back then that something was going on. Never pang  umalis si Therese basta basta ng hindi nagsasabe sa kanya,kaya gano'n na lamang ang pagtataka niya.


LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon