Part 43

675 10 0
                                    

"tsss, lakas mang asar nun ah," bulong niya sa sarili habang sinusundan ng masamang tingin ang binata na palabas sa coffee shop. "okay ka lang ba?"maya-maya ay tanong sa kanya ni  Reuben. "oo okay lang ako,nakakainis lang kasi ang direktor nayun medyo may pagka antipatiko."inis na sagot niya dito . "uy 'wag ka ngang ganyan mamaya niyan marinig ka," anito sa kanya. "naku imposible, anlayo na ehh,"sagot niya naman dito. "nakakainis lang kasi,alam mo kung hindi lang siya yung direktor,at hindi ko lang siya mahal baka nasampal ko na siya." walang anu-ano'y biglang sabe niya kay Reuben. "mahal?" nanlalaki ang mga mata sa gulat na  tanong ni Reuben sa kanya. Bigla niyang natutop ang bibig niya nang marealize ang nasabe dito. "a-ano kasi,uhmm"tila naubusan siya ng sasabihin ng mga oras na yun. 

"so gusto mo si Direk Anton De Vera?"tila gulat parin na tanong nito sa kanya.                              "p-puwede ba atin atin nalang 'to?" pakiusap niya na dito nang wala na siyang option kundi aminin dito ang totoo niyang nararamdaman tungkol sa direktor. "'wag kang mag-alala hindi naman ako tsismoso eh, pero malabo na magustuhan ka niyan. Ang pagkakaalam ko kasi mahal niya parin ang ex niya hanggang ngayon." anito sa kanya. "alam mo rin ang kuwento tungkol sa ex niya na iniwanan siya?" usisa niya dito. "oo, marami narin kasing kumakalat na tsismis tungkol diyan. Marami na ring nag kagusto diyan kay direk, kaso lang hindi niya pinapansin." sagot naman nito sa kanya.Nalungkot si Ella sa kuwentong iyon sa kanya ni Reuben. Kung pagbabasehan  kasi ang kuwento nito,tila mas may chance pa na maging artista siya kesa mag karo'n ng puwang sa puso ng binata. Nang makabalik sila sa set ay marami-rami na rin ang mga staff na dumating bagama't wala parin ang ibang talent. Naabutan nila si Anton na tahimik na nakaupo sa puwesto nito. Nakasandal lang ito sa upuan at nakasuot ng shades. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga talent,kumpleto na ang lahat pero hindi man lang tumitinag sa pagkakaupo niya si Anton.  Sinubukan itong lapitan ng mga staff niya pero hindi ito umiimik. "hala,anong nangyari kay direk,"sa isip-isip niya. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya. Dahan-dahan niyang nilapitan ito at "direk,kumpleto na po ang lahat." ngunit hindi parin ito tuminag. "direk,ano pong nangyari sa inyo,"aniya. Kinabahan si Ella dahil hindi parin ito nagsasalita.Dahan-dahan niyang tinanggal ang suot nitong shades. Saka niya lang napagtanto na nakatulog pala ito. Animo ay nakakita siya ng isang anghel "haay,ang guwapu-guwapo mo talaga."aniya habang manghang-manghang pinagmamasdan ang lalaki.Maya-maya pa ay dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata. "what areyou doing?" anito sa kanya nang  mahuli siyang pinagmamasdan ito. Nakita rin ni Anton na hawak-hawak niya ang shade nito. Bigla siyang namula sabay tumalikod ."n-nandito na po kasi lahat Direk i-ikaw nalang yung hinihintay. "aniya na hindi manlang lumilingon sa binata. "Direk kumpleto na po lahat ng talent saka staff, start na po ba tayo?"ani Aya. "sorry wala kasi akong tulog,nakaidlip ako nang hindi ko napapansin." paliwanag nito. 

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon