Part 14

713 15 0
                                    

Ang totoo niyan,hindi naman talaga siya mag a-audition sa araw na iyon,mag o-operation sneaky Ella siya,dahil balak niyang pumunta sa bagong location ng ginagawang pelikula ni direk Anton. Nalaman niya kasi iyon ng minsang pakinggan niya ang usapan ng mga crew. Sa pagkakataong iyon,kasama niya ang kaibigang si Nadia.

Nang makarating na sila sa set,pilit hinahanap  ng mga mata niya ang direktor ngunit wala pa ito. 

" oh ano, nakita mo na?"tanong sa kanya ni Nadia

"hindi eh,wala pa yata."medyo malungkot na sagot niya dito.

Maya-maya pa ay narinig niyang sumigaw na ang isa sa mga crew." Oh andiyan na si Direk,Stand by na." biglang dumagundong ng malakas ang dibdib niya. Nang lumingon siya,nakita niyang lumabas mula sa isang van ang direktor. Napakaguwapo nito sa suot na itim na t-shirt. Pakiramdam niya nung mga oras na iyon ay tatalon palabas ang kanyang puso mula sa kanyang dibdib. At mismong sa harapan niya pa ito dumaan. At kahit na hindi man lang siya nito sinulyapan,o baka hindi lang siya napansin dahil sa nagmamadali ito, bale wala lang sa kanya iyon,ang importante ay nakita na niya ito. Sinundan din ito ng tingin ni Nadia at biglang nagsalita. "oh, nandiyan na,ano nang balak mo ngayon?" tanong nito sa kanya na sinabayan pa ng tapik sa balikat niya.

"hindi ko rin alam ehh, "sagot niya naman dito na hindi inaalis ang mata sa lalaki

"ano?pambihira ka naman ,ehh bakit pa tayo nandito?" gulat na tanong nito sa kanya.

Maya-maya pa,nagulat si Ella ng pumuwesto si Anton sa harapan niya mismo ,mas kita kasi doon ang eksenang kinukunan.Nagkaroon tuloy siya ng pagkakataon na  matitigan ito ng malapitan.At napagtanto din niya na mas guwapo ito pag malapit." yan ba ang direktor?"mayamaya ay narinig niyang nagsalita mula sa likuran niya. "oo,yan nga ang guwapo no?"                                                                                                                                                      "sobra,akala ko nga leading man ehh." napangiti si Ella sa narinig.Totoo nga naman kasing napakaguwapo niya.Naisip niya tuloy na sana balang araw pag nag artista siya,ang lalaki ang maging leading man niya.

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon