Part 54

639 10 0
                                    

Iyak lang ng iyak si Ella sa kuwarto niya, buong maghapon iyon,nasaktan kasi siya sa sinabe ni Anton sa kanya. Ewan niya ba sa sarili niya,bakit baliw na baliw siya sa lalaking ayaw naman sa kanya. Narealize niya rin nung mga oras na yun  na masyado niyang ginugol ang sarili niya sa lalaki. Maya-maya nkita niyang nagmessage si Reuben sa messenger niya. "sorry ngayon ko lang nabasa yung message mo, okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya. "I'm fine,wala naman akong magagawa  kung ayaw na akong isama ni direk sa shoot niya." reply niya dito. Maya-maya pa ay nariring na ang phone niya.Tinatawagan na siya ni Reuben. Wala siyang nagawa kundi sagutin ito. "oh,napatawag ka?" sabe niya pa dito "wala gusto ko lang makasiguro na okay ka." sabe pa nito sa kanya. "ano kaba okay lang ako,medyo sumama nga lang loob ko kasi hindi man lang ako pinagpaliwanag," sabe niya pa dito. "sa tingin ko naman pababalikin ka niya kasi naipaliwanag na ng friend mo sa kanya kung anong nangyari." anito na ang tinutukoy ay si Nadia. Nakita kasi nito nang sugurin ni Nadia si Anton. "hindi na,wala na rin kasi akong balak na bumalik pa dun,masyado ko rin kasing binubuhos ang oras ko sa shooting,siguro nga hindi para sa'kin ang pag-aartista. Pero alam mo kung anong masakit,yun yung ipagtabuyan ka ng taong gusto mo."aniya na gumagaralgal na ang boses. "sinabe ko naman kasi sa'yo,walang oras si direk para buksan ang puso niya sa ibang babae,hanggang ngayon kasi mahal nia parin ang ex niya."muli namang sabe nito sa kanya. "yun nga rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ayoko nang bumalik,dahil tuwing nakikita ko siya lalo lang akong nahuhulog sa kanya.Kaya natatakot din ako na baka lalo akong masaktan. Ngayon pa nga lang masakit na ano pa kaya pag nagtagal." umiiyak paring sabe niya dito. "ano nang plano mo ngayon?" malumanay ang boses na tanong nito sa kanya. "maghahanap na ako ng trabaho para makatulong sa pamilya ko"sagot niya dito. Mahaba-haba rin ang oras na nagkausap sila ni Reuben sa phone,nilibang niya ang sarili sa pakikipag-usap dito para naman kahit paano ay makalimutan niya ang nangyari. Na kahit papano'y makalimot siya sa sakit na nararamdaman niya. Pansamantala naman itong tumalab. Kahit paano'y nakakatawa na siya habang kausap ito,ngunit ng magpaalam na siya dito ay bumalik nanaman sa kanya ang sakit sa kalooban na nararamdaman niya mula sa salitang binitiwan ni Anton. Pero naisip niyang hindi dapat siya ganun, kaya naisip niya nalang na mag move on. Pipilitin niyang i-enjoy ang buhay niya at igigive up niya na ang pag-asang magugustuhan pa siya nito. 

LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon