Bigla naman nitong tinuon ang atensiyon kay Ella na nung mga oras na yun ay nakatalikod parin sa kanya. "Ella!" tawag niya dito. "y-yes D-Direk?" sagot niya dito. "ba't ka nakatalikod,puwede ba humarap ka sa'kin?"utos pa nito sa kanya.Dahandahan naman siyang humarap dito.Halatang-halata sa mukha niya yung pamumula. "nahihiya kaba kasi nahuli kita?" biglang kumabog nang malakas ang dibdib niya. "oh my god,I'm dead" saisip-isip niya. Maya-maya pa ay inilantad nito ang palad. "a-ano pong gagawin ko diyan "tanong niya dito. "inaabot niya ba yung palad niya sa'kin para sabihing congrats nahulog na ang loob ko sa'yo"sa isip-isip niya. "can I have my shades back?"anito sa kanya "ay mali"muling sabe niya sa sarili."s-sorry po,"pag-abot niya ng shades nito ay bigla itong tumayo,pinagtalikop nito ang dalawang braso habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa. "huh,miss Escobar,umamin ka nga sa'kin" anito na animo'y kinikilatis siya. Kabadung-kabado si Ella nung mga oras na yun,pakiramdam niya ay isa siyang daga na nahuli sa sarili niyang lungga. "kayo na ba ni Reuben?"tanong nito sa kanya. "naku direk hindi ahh,"nanlalaki ang matang sagot niya dito. "why not? guwapo naman si Reuben,I don't see any problem para ayawan mo siya" sagot naman nito sa kanya. "damuhong ito,ipamigay ba ako? Ikaw kaya yung type ko "bulong niya "I'm sorry?" biglang tanong nito sa kanya nang makita siyang bumubulong "ahh,w-wala po direk,kaibigan ko lang po siya. " paliwanag niya dito. "you know what,bagay kayo, I swear hindi magtatagal madedevelop din kayo sa isa't-isa" sabe nito na sinabayan pa ng tapik sa balikat.Pagkatapos ay tumalikod na ito sabay bumaling na sa mga crew. "okay start na tayo." Tahimik na nagmukmok si Ella sa isang tabi. "kakainis,ipares ba ako sa iba,"sabe niya sa sarili. "hindi puwede to eh,kailangan ko na talagang mapalapit sa'yo," sa isip-isip niya. Nang mag break time na, dahan-dahan siyang lumpit kay Anton,kinakabahan man ay pinilit niyang labanan iyon,meron siyang hawak na mineral water. "Ella, 'wag kang kakabahan,isipin mo nalang na kapag hindi ka gumawa ng hakbang para mapalapit sa kanya, sige ka hindi siya mapapasa'yo." muling paalaala niya sa kanyang sarili. Lakas loob siyang lumapit dito. "hi Direk, uhmm medyo halata kasing napagod ka. Ito oh,dinalhan kita ng mineral water." aniya dito. "Direk ito na po yung mineral water niyo,"maya-maya pa ay sabi ni Aya sa kanya habang inaabot ang mineral water. Inabot naman iyon ni Anton at ipinakita sa kanya. "see?may sarili akong taga kuha ng tubig." anito. "hishh,kakainis naman oh,"bulong nanaman niya sa sarili sabay tumalikod na dito. "hindi talaga 'to puwede eh,kailangan talaga akong gumawa ng paraan para mapalapit sa kanya. Ano kaya gagawin ko?" bahagya siyang nag-isip. "alam ko na,hihintayin ko ulet na mag gabi tapos hindi ako uuwe agad, haha,para magkasabay ulit kami."aniya sabay pilyang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomanceBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...