Habang sa pagpapatuloy naman ng eksena, "Mahal kong Roman, wala na akong mahihiling pa kung ikaw lang rin naman ang makakasama ko habang buhay. Tinatanggap ko ang alok mong magpakasal." sabe ng babae sabay abot ng kamay upang isuot sa kanya ang singsing. Nang matapos nang isuot sa kanya ang singsing ay saka sila nagyakap na dalawa.
"aaaand cut." napapalakpak si Anton pati na ang mga nanonood ng shoot sa ganda ng eksena. "good job guys," bati niya sa dalawa.
Medyo nalungkot si Ella nang matapos na ang shooting,hudyat na rin kasi iyon na iyon na ang huling pagkikita nila ng pinaka mamahal niyang direktor. Ngunit saglit lamang na rumehistro sa kanya ang lungkot na iyon dahil pagkatapos niyon,isang kakatuwang ideya ang pumasok sa kanyang isip.Pilyang ngiti ang namutawi sa kanyang labi.
"Ano! nasisiraan ka na ba ng bait ha Michaella?" gulat na tanong sa kanya ni Nadia isang araw ng sabihin niya dito ang kanyang binabalak.
"bakit ano naman masama do'n?"
"Ano sa tingin mo?" balik tanong naman nito sa kanya.
"hindi naman masamang mag effort ako para sa love diba?"pagpapaliwanag niya sa kaibigan.
"hindi nga masama,ang masama ay imbes na ituon mo yung oras mo sa pangarap mo,ang aatupagin mo pa ay ang pag buntot sa lalake."paninermon sa kanya ni Nadia.
"ikaw naman,mag a-audition parin naman ako,sa mga shows niya,para habang ini stalk ko siya,tinutuloy ko parin ang pangarap ko na maging artista."
"Hay naku ewan ko sa'yo Michaella,bahala ka na sa buhay mo." Pinagtalikop na lamang ni Nadia ang mga braso sabay talikod sa kaibigan.Sinundan naman siya ni Ella sabay yakap sa likuran nito.
"friend naman 'wag ka namang ganyan,ikaw na nga lang ang inaasahan ko na magsusupport sa akin ehh." paglalambing niya sa kaibigan.
"Hay naku kung hindi lang kita mahal,sige na nga, basta yung pangarap mo 'wag mong babalewalain ha?" sabe nito sa kanya
Natuwa naman siya sa sinabeng iyon ng kaibigan, kaya nayakap niya ito ng mahigpit.
Para kay Ella, napakahalaga ng opinyon ni Nadia, hindi lang kasi basta matalik na kaibigan ang turing niya dito,tinuturing niya rin itong nakatatanda niyang kapatid. Sabay kasi silang lumaki,bagama't may kaya ang pamilya ni Nadia,napaka independent nito,sa totoo nga lang matagal na siyang bumukod sa mga magulang niya. Meron itong tinayong maliit na business na siyang pinagkakakitaan nito, hindi rin ito mahilig magbarkada o gumimik,masaya na siya na ang nakakabonding niya ay si Ella lang. At kahit minsan ay para silang aso't pusa, gustung gusto niya na sinasamahan si Ella sa mga lakad nito.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomantikBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...