Part 20

749 17 0
                                    


Maging si Ella mismo ay nagtaka sa tinuran niya. Hindi niya inaakalang kaya niya palang gawin ang bagay na yun. Wala naman siyang karapatang magselos dahil hindi naman niya boyfriend ang lalaki,ni hindi nga yata nito alam na nag e-exist siya. Maya-maya ay sinubukan niyang hanapin si Anton pero hindi niya na ito nakita.Halos nalibot niya na yata yung buong department store pero ni anino ng lalaki ay hindi niya na mahagilap. "kainis naman kasi yung mga saleslady na yun eh,yan tuloy wala na." paghihimutok niya  sa kanyang sarili.Maya-maya pa ay nilapitan niya na si Nadia sa counter na kanina pa pala siya hinihintay. "saan ka ba nagsususuot?Ang tagal mong nawala."tanong nito sa kanya. "ah,diyan lang,nag ikut-ikot,sorry akala ko kasi matagal ka pa ehh."palusot niya dito.Habang naglalakad sila palabas ng department store,isang lalaki ang biglang bumati kay Nadia. "hey Nadia,how are you?" .Biglang napalingon si Nadia sa lalaking tumatawag sa kanya. "Tommy,ikaw pala kamusta?"bati naman ni Nadia sa kanya sabay yakap dito. "Okay lang,I'm actually meeting my friend here today. I asked him to accompany me para bumili ng susuotin ko sa party ni dad.Wow tagal natin hindi nagkita ah" anito. "Oo nga ehh,almost three years din,umalis na kasi ako sa amin,I decided I would like to be independent." sagot niya naman dito. "so tinuloy mo na talaga ang balak mo. What keeps you busy now?"muli ay tanong nito sa kanya. "eto my small business ako.Nagtayo ako ng maliit na shop. Ay oo nga pala bago ko makalimutan this is Ella nga pala bestfriend ko,Ella si Tommy anak ng friend ng daddy ko." pag papakilala niya sa dalawa."hi Ella," bati nito sa kanya sabay kinamayan siya. "hello din po" sagot niya naman dito. "'wag mo na akong pinu po,ito naman,magkasing edad lang naman yata tayo ehh."nagkatawanan sila sa sinabeng iyon ni Tommy. "Oh,pano ba yan tutuloy na kami,baka hinihintay kana ng kaibigan mo." paalam ni Nadia sa kanya. "sige,nice to see you again and you too Ella nice meeting you." paalam naman nito sa kanila,matamis na ngiti naman ang iginanti ni Ella sa kanya.


LOVE KO SI DIREK ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon