"Grabe ka besh hindi ko kinaya yung ginawa mo kanina ha,ano bang pumasok diyan sa ulo mo at ginawa mo yun,uminit tuloy yung ulo ng direktor sayo." tanong ni Nadia kay Ella habang nag-aabang sila ng sasakyan pauwe.
"e pa'no naman kasi besh,ang guwapu-guwapo niya,alam mo yung tipong,siya nalang yung nakikita ko." kinikilig na sagot niya sa kaibigan.
"alam mo ba habang tinititigan ko siya kanina, nasabe ko sa sarili ko na nakita ko na yung future ko." dugtong niya pa.
"tse,tumigil ka nga diyan," saway sa kanya ni Nadia na sinabayan pa ng mahinang palo sa balikat niya.
"wag kang assumera, nakita mo nga halos isumpa ka kanina," pagpapatuloy pa nito.
"uy,grabe ka,hindi naman ako assumera noh! sinasabe ko lang yung nararamdaman ko."
"kunsabagay,guwapo talaga siya, at infairness mukhang mas guwapo pa siya sa leading man ha?" muling sabe ni Nadia
"anong mukhang mas guwapo,mas guwapo talaga siya. Kaso lang hindi sya pwedeng maging leading man ng iba kasi ako lang ang leading lady niya."
"haaay naku Ella, magfocus ka nalang sa pag aabang ng sasakyan at sigurado akong pagod ka lang kaya kung anu-ano na yang iniisip mo." sabe nalang ni Nadia sa kanya.Sa totoo niyan ay may sariling kotse talaga si Nadia,kaso nga lang ay nasa pagawaan ito.
"ikaw talaga panira ka ng moment." sagot niya naman dito.
"hindi no,sige na mag abang ka na ng sasakyan."
"oo ito na nga kontrabida."
Nang makarating sa bahay si Ella ay hindi parin niya makalimutan ang guwapong mukha ng direktor. Maraming tanong sa isip niya tungkol dito, kung may asawa na ba ito, or girlfriend lang ba, ano ba ang gusto nito sa babae, at mula nga sa pagkakahiga sa kanyang kama ay dali-dali siyang bumangon upang kunin ang kanyang laptop. Napag alaman niya na ang buong pangalan pala ng direktor ay Anton De Vera. Sinubukan niyang i search ito sa facebook
"Anton De Vera. Hindi ito,masyadong matanda, ito naman masyadong bata, hindi rin 'to anlayo ng mukha sa kanya." sabe niya habang hinahanap ang lalaki sa facebook.
"ano ba naman to,bakit ba andaming kapareho niya ng pangalan,wala na ba silang maisip na ipangalan sa mga anak nila,hindi ko tuloy mahanap si crush." dismayadong sambit niya sa sarili.
Muli siyang nahiga at nag isip kung paano mapapalapit sa lalaki, at nung oras ding iyon mismo, ay isang desisyon ang kanyang nabuo. Pipilitin niyang makapasok sa mga show na gagawin ng direktor, kahit na pang extra lang.
BINABASA MO ANG
LOVE KO SI DIREK ✔
RomansaBata palang si Ella, short for Michaella Escobar, ay pangarap niya nang maging isang artista. Kaya naman para matupad ito, ay palagi siyang nag-a-audition. Hanggang sa isang araw ay makapasok siya bilang extra sa pelikulang ginagawa ni Anton de V...